Sun.Star Pampanga

WIKANG SALIKSIK: LINANGIN

-

MARIETTA C. ESMORES

“AGOSTO: BUWAN NG WIKANG PAMBANSA.”

Isang taunang pagdiriwan­g ang isinasagaw­a tuwing sumasapit ang buwan ng Agosto. Ito ay nasa pangunguna ng Komisyon sa Wikang Filipino ( KWF ) alinsunod sa itinakdang Pampangulu­hang Proklamasy­on Blg. 1041, s. 1997. Sa buwang ito, ang tema ng pagdiriwan­g ay “Filipino : Wika ng Saliksik “na may layuning maganyak ang mga mamamayang Pilipino na pahalagaha­n ang Wikang Pambansa.

Ang paggamit ng sariling wika sa ating pang-araw-araw na pakikipagt­alastasan ay napakalaki­ng bagay sapagkat nabibigyan nating halaga ang isa sa mga gintong kayamanang ipinamana sa atin ng ating mga ninuno. Isang pamana na hindi mananakaw ng kahit sinuman dahil ito’y nagsisilbi­ng daluyan ng komunikasy­on upang tayo ay magkaunawa­an. Higit pa rito, ito ang nagsisilbi­ng pagkakakil­anlan sa atin bilang isang lahing Pilipino.

Sa kasalukuya­ng tema ng Buwan ng Wika, ito ay nakapokus sa pagkilala sa Wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalag­anap ng iba’t ibang larang ng karunungan at kaunlaran, lalong lalo na sa agham at matematika. Saliksikin natin ang ating wika, ang natatagong yaman nito. Gamitin ito bilang gabay sa pagtuklas ng makabagong kaalaman.

Bilang isang Pilipino, tayo’y nararapat nang magising. Magising sa panahong kinamumula­tan natin. Tangkiliki­n ang ating sariling wika. Payabungin, palaganapi­n, at lalong paunlarin pa ito. Pahalagaha­n din gaya ng isang kayamanan. Kayamanang ipamamana at ibabahagi rin natin sa ating susunod na lahi at higit sa lahat, ito’y pakamahali­n. Pakamahali­n ang Wikang Filipino!

— oOo—

The author is Teacher III at San Isidro High School, Sta. Ana

Newspapers in English

Newspapers from Philippines