Sun.Star Pampanga

TURO KO, ITURO MO!

-

EDZEL S. OCAMPO

Ang pagtuturo ay katutubong pananaguta­n, pasaning madaling itanim subalit mahirap patubuin. Isang responsibi­lidad na kung hindi ka maabilidad ay maaaring humantong sa iregularid­ad.

Ang pagtuturo ay sa ikapapanut­o, dito mo mababatid kung saan ka ihahatid ng walang anumang balakid. Ito ang magdadala kung saan mo gustong pumunta, gabay at daan na iyong tutuntunin kung saan mo gustong tumungo. Ang hahatak sa iyo sa gusto mong tahakin.

Bago pa man natin nakilala si titser, may nauna ng titser na nagturo sa atin. Bago pa natin makita ang laki at hugis ng pisara, may pinmaliit na kasing hugis na nito ang una nating sinulatan. Bago pa man tayo tumuntong sa paaralan ay may naging tuntunan na tayo sa pag-aaral.

Lahat tayo ay dumaan sa ganitong unang pahina ng ating buhay. Sinasalami­n lamang niyo na walang isinilang na mayroon ng alam kundi ito ay isinasalin. Sa ganitong paraan, napasusuba­lian ang kasabihang “Madaling Maging Tao, Mahirap Magpakatao” sapagkat hinuhubog at binubusog tayo sa mga turo. Samakatuwi­d, gaano man kahirap at kabigat ang isang bagay, ito ay pinadadali ng katuruan. Kaya’t kapag nakarinig ng turo, ituro mo rin dahil tiyak, ito ay ituturo din!

— oOo—

The author is Teacher III at Dapdap High School, Bamban, Tarlac

Newspapers in English

Newspapers from Philippines