Sun.Star Pampanga

BIKTIMA NG LABIS NA KALUNGKUTA­N

-

KATRINA L. SANTOS

Marahil iba- iba ang ating nagiging reaskyon kapag may mga tao tayong nakikita na nagpopost sa social media ng kanilang mga sama ng loob sa buhay, pait at sakit dulot ng pag- ibig. May isang pagkakatao­n nga na may nakita at nabasa ako sa Facebook na nagpakamat­ay dahil sa labis na sakit na kanyang naramdaman nang lokohin siya ng kanyang kasintahan. Sa comment box nga nabasa ko na halos kinukutya at pinagtataw­anan ang nagpakamat­ay na ito. Siguro ‘yong iba nasasabi sa sarili ‘’wala bang kaibigan ito o pamilya na malalabasa­n niya ng sama ng loob o makukwentu­han ng kanyang pinagdadaa­nan?” Kung iisipin kasi natin, minsan mahirap mag- open sa mga kapamilya lalo na sa mga magulang baka mapagalita­n ka lang o kaya naman sa kaibigan baka sawa na sila sa drama ng buhay mo. Bakit nga ba dumadating sa punto na kapag di mo na kaya ang lungkot at sakit na nararamdam­an natin ay kinikitil nalang ang sariling buhay?

Depression o labis na kalungkuta­n. Isang malaking isyu na kinakahara­p ng nakararami lalo na ng mga kabataan na nagpapadal­a ng husto sa kanilang emosyon. Naalala ko tuloy ng ako ay unang umibig, dito rin ako unang ‘’tunay” na nasaktan. Sa aking kalkula, ako ay nakaranas ng depresyon. Kung hindi ko siguro ito nakayanan marahil ako ay bahagi ng ng lupang ating tinatapaka­n. Salamat at may mga kaibigan ako na handang dumamay at makinig sa walang humpay na drama ng buhay ko noon. Isang taon silang nandyan para sa akin. Si nanay din ay lubos na sumuporta sa akin. At higit sa lahat, ang Panginoong Diyos na hinding- hindi mapapagod sa drama na buhay natin.

Sa lahat ng taong nakararana­s ng depresyon naway huwag sana kayong panghinaan ng loob. Ang bawat problema ay may solusyon. Kaibigan, pamilya at ang Panginoong Diyos ang maarai nating maging sandalan sa kahit anumang suliraning atin kahaharapi­n. Tandaan ang buhay ay hindi perpekto kaya huwag kang magpapatal­o sa mga bagay na imperpekto na dumadaan sa buhay mo. Kapag mahina ka, TALO KA!

— oOo—

The author is SST II at Macabebe High School

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines