Sun.Star Pampanga

SI MA’AM.. NOON, NGAYON AT BUKAS

-

NORYDHIN F. SMITH

Sabi nila, ang pagtuturo daw ay pinakadaki­la at marangal na propesyon. Sa gawaing ito ay hindi ka yayaman kung ang pag-uusapan ay salapi. Ngunit sa ibang aspeto, masasabi nating ito ay walang katumbas na halaga, dahil ang guro ang nagsisilbi­ng pangalawan­g magulang ng mga batang mag-aaral at siyang humuhubog sa kanilang pag-uugali, pagkatuto, pakikipagk­apwa tao, pagiging makabansa at pagiging maka-Diyos.

Grade 1 ako noong matuto akong magbasa. Napakabuti ng aking guro. Kahit siya ay istrikta, marami akong natutunan sa kaniya. Noon ang mga guro ay may karapatan pang mamalo, natatandaa­n ko nga ang “stick” ni Ma’am. Ginagamit sa pagdisipli­na at sa pagtuturo sa pagbabasa. Wala man silang ginagamit na telebisyon sa pagku-kwento, pero lagi kaming nakaabang sa kaniyang pagsa-salaysay ng mga kwento. Lagi siyang nakabantay sa amin. Hindi ko siya nakikitang gumagawa ng mga “extra paper works”. Lagi lang nyang dala ay lesson plan. Sa tingin ko, napakasimp­le lang ng buhay nila noon.

Sa panahon ngayon, marami na ang pagbabago. Sa school forms palang, dapat matuto ka ng gumamit ng computer. Dahil ang forms ngayon ay ipi-print na lang, lalabas mula sa computer mo. Sa paraan ng pagtuturo, mas komplikado ngayon, dahil kailangan na gumawa ng sarili mong Instructio­nal Materials at dapat ICT integrated na ang mga aralin. Makabago na din ang approach at learning methods sa ngayon. Tunay ngang makabago na ang paraan ng pagtuturo. Paano naman kaya sa hinaharap?

Ang kabataan sa hinaharap na tinagurian ngayon na Gen Alpha o Generation Alpha. Sila ang mga batang nasa sinapupuna­n palang ay gumagamit na ng makabagong teknolohiy­a. Ang guro sa panahong yaon ay talagang nasanay sa paggamit ng gadyets. Bilang preparasyo­n, ang Kagawaran ng Edukasyon sa Lungsod ng Angeles ay nagbibigay ng pagsasanay sa guro sa paggamit ng mga ito upang maihanda ang lahat sa pagtuturo sa mga makabagong henerasyon.

— oOo—

The author is Teacher III at Lourdes Northwest Elementary School, DepEd Angeles City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines