SexBomb Che-Che nagka­roon ng ‘some­thing’ noon kay Coco Martin

Sun.Star Pampanga - - ENTERTAINMENT! -

Vice Ganda tinawag na ‘Probin­syana’si Sexbomb CheChe mat­a­pos ma-re­veal na nalink ito dati kay Coco Martin.

Sa Gan­dang Gabi Vice, natanong ni Vice Ganda ang kanyang guests na sina SexBomb Girls Louise, Jacky, Johlan, Sandy, Che-Che, Mia at Sun­shine kung saan nang­gal­ing ang pan­galan ni­lang SexBomb Girls.

“Gal­ing kasi yun kay Tito Joey (De Leon), kasi tu­mug­tog yung “Sex Bomb” by Tom Jones then nung nar­inig na ni Tito Joey yun, yun na ang tinawag sa SexBomb Girls,” ani Cheche.

Dati pa daw ang pan­galan nila ayon kay Mia ay, “Chicken-Tuna Sand­wich.”

Inalala din ng grupo ang long-run­ning and de­funct drama se­ries nila na Daisy Si­ete kung saan re­be­lasyon ni Vice Ganda na nag­ing guest si Coco Martin. Love team di­u­mano ni Sun­shine at Rochelle noon si Coco.

Pi­naamin na­man ni Vice Ganda kung kanino noon nalink at nagka­roon ng “some­thing” si Coco. Noong una ayaw aminin ng SexBomb Girls kung sino nga ba ang nag­ing malapit sa kanila kay Coco. “Si Sandy?! Alam mo pwede kasi mahilig ta­laga si Coco sa ma­puti at maki­nis, kaya nga hindi niya ako gusto ever since eh,” pag­bibiro pa ng TV host. Pero umamin din ang SexBomb at sin­abing si CheChe pala ang nag­ing malapit noon kay Coco. “‘di sana Cheche Martin ka ngayon… ” com­ment ni Vice. “Mabait lang po ta­laga si Coco,” kwento na­man ni CheChe.

Pat­u­loy pang pag­bibiro ng Unk­abo­gable star, “Danda ha! Ikaw pala ang mata­gal na hi­na­hanap namin na Probin­syana!”

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.