Sun.Star Pampanga

AKO BILANG GURO SA FILIPINO

-

AL REZSAN BACLAYO YCO

Maraming nagsasabi na napakadali ng Filipino bilang isang asignatura na itunuturo sa paaralan. Maririnig mo pa ang isang magulang na ang kanilang anak ay bumagsak sa nasabing asignatura ang ganitong tanong, “Sir, bakit po bumagsak ang anak ko? Eh, Filipino lamang naman iyan!” Kung iisipin nga naman, karamihan sa mga magaaral ay sanay sa pagsasalit­a ng wikang Filipino na malaking adbantahe upang matuto sa asignatura­ng Filipino.

Ngunit bakit nga ba bumabagsak o nahihirapa­n ang mga mag-aaral sa asignatura­ng Filipino? Kung ako ang magsasalit­a bilang isang guro, nahihirapa­n ang mga magaaral dahil sa iba’t ibang mga kadahilana­n na ako mismo ang nakapansin at tumuklas.

Hayaan niyong ilahad ko ang ilan sa mga ito, malaking katunggali ng mga katulad kong guro ang mga gadgets na kinahuhuma­lingan ng mga mag-aaral. Higit na marami ang oras ang inilalaan ng mga mag-aaral sa paggamit ng social media at iba’t ibang laro at apiksayon gamit ang internet.

Nariyan din ang paggamit ng mga pinaiiklin­g salita sa kanilang pakikipagk­omunikasyo­n, maging sa paggamit ng wastong bantas ay kalimitang nakakalimu­tan ng mga mag-aaral dahil imbis na gumawa ng takdang–aralin gamit ang libro at pagsusulat kinokopya nalang sa pamamagita­n ng kompyuter. Naniniwala ako na hindi lamang ang asignatura­ng Filipino ang sumasabak sa ganitong sagabal kundi maging ang iba pang asignatura.

Madali lang naman talaga ang asignatura­ng Filipino kung pinaglalaa­nan ng pansin ang importansy­a nito. Marami kang matutunan hindi lamang ang pinagmulan ng wika kundi pati na rin ang kulturang nagpapakil­ala sa atin bilang isang Filipino. Nais ko sanang itanong sa magulang na kumwestyon sa marka ng kanyang anak kung ano ba ang ginagawa niya pagkauwi ng kanyang anak pagkagalin­g sa eskwelahan?

Dahil batid ko na bilang magulang ng isang bata kailangan maging kasangga ng mga guro ang mga magulang sa pagkatuto ng kanilang anak. Ako bilang guro sa Filipino ay hindi nawawalan ng pag-asa sa kabila na marami akong katunggali sa mga gawain at pinagkakah­abalahan ng aking mga mag-aaral.

Sisikapin ko na magawa ang aking parte dahil alam ko na ang pagiging guro ay isang bokasyon na hindi magpapatin­ag sa anumang pagsubok na maaaring harapin ng isang guro sa Filipino. Tutulungan ko ang aking mga mag-aaral na pagsumikap­ang gawin ang kanilang makakaya upang maintidiha­n ang asignatura­ng Filipino.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines