Sun.Star Pampanga

KATATAGAN

-

REX Q. PABALAN

“Mahal mamamatay ba ang anak natin”? Ito ang natatandaa­n kong kataga na tanong ng aking asawa habang karga karga niya ang aming panganay na anak na isinugod sa hospital dahil sa sakit na Dengue. Marahil sa kalituan, tuliro na ang kaniyang isip bakit niya naitanong iyon, habang ako nama’y nagdarasal na sana mailigtas mula sa karamdaman ang aking anak. Habang binabagtas namin ang daan patungo sa ospital, pinanghawa­kan ko ang mga katagang mula sa Bibliya na “Mahawakan ko lamang ang laylayan ng Kaniyang damit, ako ay gagaling na.”

Sa pagkakatao­ng iyon, inukit ko sa aking puso na magtitiwal­a ako sa pangako ng Maykapal, at walang akong ibang hihintayin na sagot kung hindi “Gagaling siya.”. Madalas, ang tao ay may pinanghaha­wakan kaya siya ay matatag sa gitna ng mga pagsubok, siya ay tumitibay dahil sa kaniyang mga mahal, at patuloy na itinataguy­od ang buhay, na kung hindi siya aahon siya ay manghihina at maaaring bumagsak. Ngunit, tila minsan sa buhay ng tao, mahirap maging matibay, minsan rin nama’y may mga taong pilit na umaahon ngunit patuloy paring hindi nagtatagum­pay. Kagaya na lamang ng isang karaker sa libro na nabangit, hinabol niya si Hesus para hawakan ang laylayan ng Kaniyang damit sa paniniwala na gagaling siya hindi dahil nagmilagro si Hesus kundi dahil sa kaniyang panananamp­alataya.

Ang kakatagan ng isang tao ay hindi lamang masusukat sa katapangan na harapin ang mga pagsubok, kung hindi sa mga prinsipyon­g pinanghaha­wakan natin sa kabila ng matinding hamon ng buhay. Sa dami ng mga hindi kanais nais na karanasan na aking napagdaana­n , nanatili akong matatag dahil kasama ko ang aking Diyos na pinaglilin­gkuran.

— oOo—

The author is Teacher II at Santos Ventura National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines