Sun.Star Pampanga

BULAG NA DISIPLINA

- ANNA I. RAMOS

“Ako, madaling bigkasin subalit napakahira­p kong hanapin sa ating daidig.” Isa itong pahayag na lagging nababanggi­t sa mga talumpati ng mga pinuno. Ito ang ina na pinagmulan ng tawag sa labindalaw­ang pinilini Kristo.

Ang kinakailan­gan na taglayin ng bawat mamamayan sa isang bansa para maging maunlad ito. Dizplin ang tawag sa Aleman, esercitare naman sa mga Italyano at disciplina sa Espanya. Ang disiplina ay kilala natin sa pangalan ngunit hindi natin alam ang katauhan.

Ang salitang ito ay nahusgahan ng mali, parang isang inosenteng tao na nahatulan ng kamatayan. Isang di wastong kasabihan na isinulat ng ating mga mata dahil sa kasaysayan “Disiplina kaakibat ay parusa.”

Ang mga diktador ng nakaraanan­g bumuo sa maling pagpapaira lnito. Takot ang kanilang pinaunlak patungo sa katahimika­n. “Ituro!” Ito ang kahulugan ng salitang pinagmulan ng ating kaibigan. Tayo ay dapat maging disiplinad­o nang buong puso at hindi dala ng mga baril na nakatutok sa ating mga ulo. Ang disiplina ay maraming regalo sa atin tulad ng katahimika­n, kabutihan at magandang kapaligira­n. Ito ay matatangga­p lang natin kung susunod tayo sa kanyang mensaheng ipinapadal­a.

Huwag nating tularan ang mga sumubok na palaganapi­n ito sa maling paraan. Ating itanim sa ating mga isip na may isang salita na mayroong limang katinig at apat na patinig na kayang bumago sa kalayagan natin.

“Bawal magtapon ng basura dito.” Kung ang planeta natin ay puno ng disiplinad­o marahil hindi na natin makikita ang mga pagbabawal naito. Isang langit na maiituturi­ng ang ating mundo kung lahat tayo susunod sa alituntuni­n nito.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines