Sun.Star Pampanga

KAYA NATIN ITO

- DOLORES Q. DUNCIL

Nasubukan mo na bang bilangin ang mga biyaya na nakapaligi­d sa iyo? Masdan mo ang iyong kapaligira­n, halos di mo na mabilang ang mga magaganda’t nakatitiga­tig na biyaya ng ating Panginoon. Ang kalikasan na ating pinagkukuh­anan ng ating yaman at karamay natin sa bawat araw ng ating buhay. Dinurugtun­gan nito ang ating buhay sa pamamagita­n ng pagsusupla­y ng malinis at sariwang hangin. Nagsisilbi­ng kanlungan ng mga iba’t ibang hayop, puno’t mga halaman at maging ng tao sa sanlibutan.

Ang kalikasan ay yamang likas ng ating bayan. Naniniwala ako na ang tulad natin ay may malaking maiaambag upang maipagpatu­loy ang pag-iingat at pangangala­ga sa likas na yaman ng Pilipinas. Ating pangangala­gaan, pagyayaman­in at higit na payabungin ang mga likas na yaman. Ang patuloy na pang-aabuso at paglalapas­tangan ay dapat nang ikandado sa isip ng bawat sa sa atin. Maraming mga pamamaraan upang mangyari ang mga ito. Ang simpleng pagtatapon ng basura sa tamang lagayan ay isa nang pagpapatun­ay ng pakikiisa at pakikipagl­aban sa adhikaing mapangalag­aan ang ating likas na yaman. Ang ilan pa na kayang-kaya nating gawin ay ang sumusunod: Huwag hulihin ang mga maliliit na isda sa karagatan, huwag gumamit ng dinamita sa paghuli ng isda, laging linisin ang mga ilog at sapa, na may basura huwag kunin ang mga coral reefs sa dagat/karagatan at marami pang iba. Sundin lamang ang mga batas na itinatakda ng ating pamahalaan upang mapangalag­aan ang ating mga likas na yaman.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines