Sun.Star Pampanga

ASIGNATURA­NG SARILING ATIN

- AL REZSAN B. YCO

Mabilis na lumilipas ang panahon kaakibat nito ang patuloy na pagbabago dulot ng modernisas­yon. Bunga ng kaganapang ito sa ating paligid at lipunan, hindi maiiwasang unti-unting nalilimuta­n ang kabuluhan ng mga tradisyong kinagisnan at kinasanaya­n lalonglalo na ng mga kabataan sa makabagong henerasyon.

Ngunit may isang magandang pamamaraan upang mapanatili­ng bukas ang kamalayan ng mga kabataan sa ating kulturang iniingatan. Ito ay ang pagtuturo ng asignatura­ng Filipino. Sa pamamagita­n nito ay nabibigyan ng sapat na kaalaman ang mga mag-aaral ukol sa ating wika at panitikan.

Sa pag-aaral ng Filipino ay napahahala­gahan din ng wasto ang ating wika na bahagi ng ating kultura. Mahahasa ang kaniulang kaalaman at kakayahan sa pagsasalit­a ng Filipino. Nagkakaroo­n din ng matatag na pundasyon ng mga salita na magpapabat­id sa atin ng maraming bagay ukol sa pagiging Pilipino.

Ang wikang Filipino rin ang nagsisilbi­ng tatak at pagkakakil­anlan ng ating lahi kaya mahalagang patuloy itong gamitin sa bawat aspeto ng ating pamumuhay lalo na sa pagaaral sapagkat dito nag-uumpisa ang pagkatutuo sa iba’t ibang larangan.

Sa asignatura­ng Filipino ay nagkakaroo­n ng kabatiran ang mga mag-aaral sa ating kasaysayan bunga ng pag-aaral ng panitikan na salamin ng ating lahi. Hindi maaring paghiwalay­in ang dalawang ito sapagkat may kaugnayan sila sa isa’t isa. Nagiging daan ito upang malinang ang isipang makabayan ng isang kabataan.

Nabubuksan din ang isipan ng mga mag-aaral sa asignatura­ng Filipino ang kahalagaha­n ng bayang sinilangan sapagkat natatalaka­y rito ang pagmamahal ng ating mga bayani at ninuno sa ating Inang-bayan sa pamamagita­n ng mga akdang kanilang nalikha na nagsilbing pamana nila sa kasalukuya­ng henerasyon. Nagiging daan ito upang lalong ipagbunyi at ipagmalaki ang ating pagka-Pilipino.

Kaya naman napakalaki ng gampanin ng isang guro sa Filiupino upang mapahalaga­han ng lubos ng mga mag-aaral ang asignatura­ng ito. Kinakailan­gan gumamit ng mga estratehiy­a ang guro sa pagtuturo nito na hindi magiging kabagot-bagot bagkus ay pupukaw sa kanilang interes at kikintal sa kanilang diwa at isipan ang wika at panitikang mapagaaral­an.

Ang mga guro sa Filipino ang maituturin­g na bayaning magpapanin­gning sa ating kulturang Filipino at magpapauna­wa sa mga mag-aaral ng makabagong henerasyon sa wastong paggamit ng wikang Filipino na repleksiyo­n ng ating lahi upang mapagbuklo­d ang mga mamamayan ng ating bansa dahil sa ating wikang sinasalita. Sila rin ang magbibigay ng kabuluhan sa ganda at yaman ng bansang Pilipinas sa pamamagita­n ng mga panitikang maipagmama­laki kaninuman.

Nararapat lamang na mapahalaga­n at matutuhan ng mga kabatan sa henerasyon­g ito ang asinatutan­g Filipino sapgkat ito lamang ang asinaturan­g matatawag na sariling atin.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines