Sun.Star Pampanga

Why did Marco Gallo keep his relationsh­ip with Juliana Gomez private?

-

Ipinaliwan­ag ni Marco Gallo ang desisyon nilang dalawa ni Juliana Gomez ang maging pribado ang r el asyon.

Handa na si Marco Gallo sa pagbabalik showbiz matapos umuwi muli ng Pilipinas mula sa Italy. Sa naganap na press conference para sa bagong pelikula na Familia Blondina, naging bukas si Marco Gallo sa pagsagot tungkol sa naging relasyon nila noon ng Juliana Gomez.

Ayon sa dating Pinoy Big Brother housemate, nananatili­ng magkaibiga­n na lang sila ngayon ni Juliana kahit na hindi pa rin sila nagkikita ngayon mula nang pagbalik niya sa Pilipinas."Kasi kakagaling niya lang po ng Ormoc, and ako, I've been busy po sa Familia Blondina. We might go to Wander Festival, like friends. Friends lahat kami," ani Marco.

Naging usap-usapan ang kamakailan­g pag-amin ni Marco Gallo na naging magkasinta­han sila ni Juliana Gomez noon, sa programang Tonight With Boy Abunda.

Ayon kay Marco, desisyon nila ng ex-girlfriend na gawing pribado ang relasyon nila. "It's fine because ako din at first I was denying it. I didn't want na, if its not needed to make it public, I don't want kasi that's my life. I want to keep it as— not a secret as possible— but as private.

"Before Juliana, there was some relationsh­ip stuff na nasama ang showbiz, and it affected our relationsh­ip, so by experience, I don't want na," paliwanag ni Marco kung bakit pinili niyang maging pribado ang love life.

Sa kanyang pagbabalik showbiz, bukas muli si Marco sa mga bagong proyekto maging ang magkaroon ng bagong ka-love team. "Well, I'm open to it, if they partner me with anyone, it's going to be another challenge, game ako don," sabi ng aktor.

Kasama ni Marco sa Familia Blondina sina Kira Balinger, Chantal Videla, at ang lead actress na si Karla Estrada.

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines