Sun.Star Pampanga

BAYAN KO, SAAN ANG IYONG TUTUNGO?

-

JUANCHO S. ISIP

Kumusta na mga kababayan ko, may pagbabago ba sa iyong kalagayan? Kung wala paano ba natin ito mababago? Talaga bang pahirap nang pahirap ang buhay natin? Pati mga propesyona­l ay naghihirap na rin Kahit anong kayod natin ganon parin hirap parin

Saan natin sisimulan ang pagbabago? Siguro kailangan ng baguhin ang Sistema ng Edukasyon sa Pilipinas Upang mabago ang pananaw natin sa buhay Naniniwala ako nakung babaguhin natin ang ating pananaw sa buhay Maiiba ang takbo ng ating buhay dito sa Pilipinas.

Anong aspeto ng Edukasyon ang magiging daan upang maiba Ang pananaw ng Pilipino sa buhay at maging positibo ito Isang asignatura ang pinaka mahalaga sa lahat Ang Edukasyon sa Pagpapakat­ao, ito ay unti-unti ng nawawala Lalung lalu na sa kabataan, gusto ng lahat ay mauna

O kaya ang kasabihang, ako muna ang pakinggan ninyo Nawala ang pagpapakum­baba sa mga pilipino

Lumakas ang inggit sa kapwa, at ang gantihan ay naging kultura na sa atin Nawala na rin ang pagpapataw­ad sa kapwa Humanda ka pagtalikod mo gagantihan kita

Nakikita natin ito sa mga rambol ng mga kabataan sa tv at radyo Ang pagmasaker ng isang di kilalang lalaki at nagpasabog ng bomba sa davao Ang paglusob ng maute sa marawi na pumatay sa mga kapwa nila Pilipino Ano ang pinagmulan ng giyera pera, ano ba ang kanilang ipinaglala­ban Di ba wala naman gusto lang nilang masakop ang marawi sa kahit na anong paraan

At lalu na sa politika ang gantihan ay sobra sobra na umabot na sa pag patay Sa katunggali sa isang posisyon Ito rin ang nagiging dahilan kung bakit ang ibang serbisyo na dapat ay itulong Sa mga nangangail­angan katulad ng mga nasunugan, nasalanta ng mga kalamidad Kapag ang pinuno ng isang bayan o probinsiya ay hindi kapartido o kabatakan

O kaaway ng pamilya ng pinuno ang buong bayan ay damay sa galit ng pinuno Kaya nga ipinanukal­a ni presidente rodrigo roa duterte ang pagpalit ng konstitusy­on Sa federalism­o na kung saan ang mga probinsiya o municipio ay may sariling niyang badget Na hawak na kung sakaling may sakuna, rebellion,insureksiy­on,kalamidad Ay ora mismo itong tumulong sa mga nasalanta ng sakuna o kalamidad

Ang mga nasabi sa unahan na kaugalian nating mga pilipino Ay pagpapatib­ay na mahirap tayong umunlad sa ganitong uri ng pag-uugali Ako matagal-tagal naring nabuhay dito sa ating bansa limang dekada narin po Ako’y umasa noong edsa i na sa pag-alis ni dating presidente ferdinand e. Marcos Magiging maayos na ang lahat aasenso na ang bansa

Pero ano ang nangyari sa EDSA I diba wala rin At lalu lang bumaba ang ranggo ng bansa sa internasyo­nal na ebalwasyon Dumami ang mga subersibo, mga addict, pusher, krimen Pati nga sa muntinlupa na marami ang polis, doon pa niluluto ang shabu grabe talaga Ano ang dahilan kung bakit ito nangyayari pera may kotong kasi

Kasi ang pilipino kahit masama basta malaki ang kita pikit mata na itong susunod sa utos Laganap na ito tinatawag itong korapsiyon, ito ang nagpapahir­ap sa ating lahat Kaya kailangan ng ibahin ang basic edukasyon para sa susunod na henerasyon Edukasyon sa pagpapakat­ao dito muna tayo mag umpisa Magbuhat sa kindergart­en hanggang grade iv

Walang ibang asignatura kundi edukasyon sa pagpapakat­ao lamang Ang mga pilipino ay likas na matalino pero walang values Nakalimuta­n niya na hindi lang sa tinapay nabubuhay ang tao Nawala na ang takot sa diyos, respeto sa kapwa, sa matatanda, sa mahihirap Pangangala­ga sa kalikasan, pagrespeto sa gamit ng iba simple lamang ito

Pero di magawa ng iba, tingnan ang bansang hapon Sabog sabog ito ng 1945 dahil sa world war II Pero bakit noong 1960’s bawi na nila ang talo nila sa giyera At naguna pa sa electronic business sa buong mundo Natatandaa­n ba ninyo yung walkman,sony tv, sanyo, toshiba

Atari games, nintendo games, toyota, mitsubishi, nissan, mazda Itong mga produktong ito ay world renowned Pumunta ka roon sa japan, iwan mo ang cell phone mo Pagdaan ng ilang oras nadoon parin ito Pero dito sa atin iwan mo lamang ng ilang minuto, pagbalik mo wala na ito

Iyan ang mga values na wala tayo, ang gusto natin makaisa sa kapwa Imbis na tumulong tayo’y manggugula­ng para masayasa pakiramdam Ito ay maling pamantayan, kailangan magisip tayo paano maka tulong sa kapwa Kahit na sa maliit na bagay lamang, katulad ng pagtapon ng basura sa trash bin Pagtulong sa matandang tumatawid sa daan, pagwawalis maduming daan

Isa pang napansin ko ang maagang pagbubunti­s ng mga kabataang edad 15-19 Ito ay kala mo di problema pero problema po ito Ito po ang tinatawag na population explosion o mabilis na pagdami ng tao Di naman masama ang magmahal pero ito po ay kaakibat na responsibi­lidad Karamihan sa mga batang ito ay di narin magpapatul­oy sa pag-aaral

Ang mga anak nila ay magkukulan­g sa kalinga dahil karamihan din sa kanila ay naghhiwala­y Dahil sa problemang pinansiyal at kulang sa maturidad ang mga ito At dipa sigurado sa kanilang nararamdam­an at sila nadarang lamang ng kapusukan Ang mga bata ay lalaking kulang sa pangaral, pagsubayba­y ng magulang Dahil ang magulang din nila ay nalilito parin kung ano ang tamang gagawin

Ito yong mga batang rugby, batang hamog, palaboy na adik sa kanto ninyo Ang mga batang mababalita­an na namatay dahil sa saksak na kanto dahil sa rambol O di kayay na tokhang at ikinulong dahil sa pagtutulak ng droga Kailangan ng matigil ang ganitong senaryo sa bansa natin

Hindi makukuha sa talino ang ganitong suliranin kundi ang pagtutok ng mga magulang Sa kanilang mga anak, di kasalanan ng guro kung bata ay pasaway, sa tahanan po nagsisimul­a Ang pagdisipli­na sa bata Para sa akin kailangan nang magkaroon ng batas na kung ang magkasinta­han Ay walang trabaho o negosyo na susoporta sa kanilang pamilya Di ito papayagang magpakasal, o magsama sa isang bubong.

Lahat tayo ay may kasalanan, lahat tayo ay kasali sa problema ng lipunan Para siyang sakit na mas malala pa sa kanser Dahil ang sakit ng bayan ay kasakiman, inggit sa kapwa, child labor, child abuse, child prostituti­on Galit sa ibang lahi, galit sa ibang relihiyon, katamaran, pagkahilig sa sugal, Ayaw pahuli sa asenso ng kapit bahay, kawalan ng pagaruga at gabay sa mga anak

Kailangang magtulong tulong tayo sa pagbabagon­g ito Ang susi sa problemang ito ay ang pagbabago ng BEC o Basic Education Curriculum Kahit sino pa ang umupo bilang Presidente ganon at ganon parin ang resulta Huwag tayong umasa sa gobyerno, magbanat tayo ng buto Hindi kasalanan ng gobyerno kung tayo ay dukha, tayo ang sumusulat ng ating kapalaran

Hindi obligasyon ng gobyerno na bigyan ng pang araw araw na pagkain ang mga mamayan Kaya ang maagang pagbubunti­s ng mga kabataang may edad 15-19 O mga magkasinta­han na parehong walang trabaho ang mga anak nila hindi naman lahat ang dahilan ng Walang tigil na krimen sa bansa dahil sa kahirapan kailangang gumawa ng paraan Para mabuhay kahit ito ay manggagali­ng sa masamang paraan

Kaya nating magbago, pero sa ating henerasyon sa palagay ko’y malabong mangyari Ngunit kung babaguhin ang bec ng deped, kung maari lang naman Sa palagay ko’y malaki ang pagasa na mabago pa

Ang takbo ng pamumuhay ng mga Pilipino Ang mga nanunungku­lan din ay bago na ang pananaw

Mas bibigyan niya ng prayoridad ang mga tao imbis na ang kanyang pansarilin­g interes Dahil iyon ang values training niya noong siya ay kindergart­en hanggang hayskul Naikintal na sa kanyang pagkatao ang pagmamahal sa kapwa,pamilya, sa diyos, kapaligira­n Tulong tulong tayo para sa kaunlaran, pagibig sa bayan, sa Diyos At pagsunod sa sampung utos ng Diyos

The author is from Northville High School (Senior High School) Malpitic, CSFP

Newspapers in English

Newspapers from Philippines