PAGMAMAHAL NG ISANG GURO

Sun.Star Pampanga - - PERSPECTIVE! -

JONALD SA­MUEL S. DA JOSE

Maram­ing nag­tataka kung bakit pag­tu­turo ang napili kong tahakin. Nakakalungkot isipin na may mga taong mababa lamang ang tin­gin sa mga ka­gaya namin. Sabi nga nila, walang pera sa pag­tu­turo. Kung meron man, hindi mo ito ikakaya­man. Idagdag mo ang mga pa­s­away na is­tudyante, sa pag­gawa ng Daily Les­son Log araw-araw, sa walang kat­a­pu­sang pa­per works, makatagpo ng pa­s­away na mag­u­lang, pagig­ing ama na walang sawang makinig sa iba’t ibang suli­ranin ki­na­ha­harap ng mga es­tudyante at kung anu-ano pang prob­lema na maaari mong isipin sa buhay ng isang guro. Marami na rin mga guro ang nagig­ing bik­tima ng pagkaka­roon ng masamang karam­daman du­lot ng labis na prea­sure sa kani­lang tra­baho, tahanan at lipunan kani­lang gi­na­galawan. Ang iba ay sumak­a­bi­lang buhay na rin dahil sa hi­rap tus­tu­san ang mga pan­gan­gailan­gan up­ang ma­p­ata­gal pa ang buhay nila, ang masak­lap pa nababaon sa utang ang mga nai­i­wan nila.

Pero naisip mo na ba kung bakit meron pa ring ibang tao na nag­pip­ilit at nagtiya-tiya­gang nag­pa­pakadalub­hasa up­ang mag­ing isang ganap, hi­na­hangaan, mahusay at re­speta­dong guro? Dahil gusto niyang mag­bi­gay pag-asa sa mga mag-aaral. Gusto niyang ipakita ang mga aral ng buhay. Masaya na sila kahit magsakrip­isyo ng sar­il­ing kasiya­han at buhay maka­paghubog lamang sa mga es­tudyan­teng nan­gan­gailan­gan ng kalinga, karu­nun­gan at pag-mama­hal. Kahit anong gawin ni­lang pag-iwas o pag­tanggi, sadya yatang iti­nad­hana sa kanila ng Diyos ang kani­lang propesyon. Ito ang kani­lang misyon sa mundong ibabaw. Hindi na­t­alo ng isip ang lakas ng puso. Tawag nga daw ng ka­likasan. Biyaya ng Diyos. Masasabi kong "biyaya" sapagkat hindi la­hat ng tao ay nakaka­pag­turo ng nat­u­ral. Kun­baga, kahit hindi niya pansin ay nakaka­pag­turo siya ng ma­g­a­nda at maayos sa ka­bila ng pag­tanggi niya nito. At iba kasi pag gal­ing sa puso.

It­in­u­tur­ing kong bagong bayani ang mga guro. Bakit? Sapagkat sa guro nakasalalay ang mga buhay at pan­garap ng mga batang ip­inagkati­wala sa kanila ng mga umaasang mag­u­lang. Sa guro nakasalalay kung ilan sa mga tin­u­tu­ruan niya ang tata­hakin ang ta­mang lan­das at mag­tatagum­pay sa buhay.

Pero alam mo, hindi ako apek­tado kung gaano kahi­rap ang buhay ng isang guro. Hindi ko rin al­in­tana ang magsakrip­isyo ng sar­il­ing buhay at kasiya­han matu­pad ko lang ang akin pan­garap. Ang mag­ing isang mahusay na guro. Sa mata ng mga mag-aaral. Sa mata ng mga mag­u­lang. Sa mata ng ma­ma­mayan. Sa mata ng aking pam­ilya. La­long lalo na sa mata ng Diyos. Kung ang buhay ng guro sa mundong ito ay malak­ing sakrip­isyo, ma­susuk­lian din ito ng pag­pa­pala. Hindi man du­mat­ing sa mundong at­ing gi­na­galawan ang ma­ha­laga ay pag­palain ka sa huli mong han­tun­gan.

Kaya para sa akin, masaya at masarap mag­ing isang guro. Ibin­aba­hagi mo ang iy­ong katauhan o iy­ong sar­ili, Nag­baba­hagi ka na ng iy­ong kaala­man, may natu­tu­nan ka pang bago sa tin­u­tu­ruan mo. Matu­tu­tu­nan mong hu­marap sa ibat-ibang klase ng tao. Mula sa pinakam­ababa hang­gang sa pinaka­mataas. Matu­tu­tu­nan mong mag­pakum­baba na siyang kailan­gan. Matu­tu­tu­nan mong magsakrip­isyo alang-alang sa ibang tao. Matu­tu­tu­nan mong makinig sa prob­lema at payo ng iba at gawan ito nang so­lusyon pa sayo at sa ibang tao. Makikita mo rin ang ka­ha­la­ga­han ng buhay na hindi lamang sa mga materyal na bagay makikita ang kali­gaya­han ng isang tao. Maram­ing nakakalimot na ang tu­nay na kaya­man ay pag-iim­pok ng kabu­ti­han sa at­ing puso at sa iba. Ang pagig­ing guro ang siya’y pinakadak­i­lang propesyon sapagkat dito mo matatag­puan ang tu­nay na kaya­manan na madadala mo sa iy­ong pag­panaw.

--oOo—

The au­thor is Teacher II at Pam­panga High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines

© PressReader. All rights reserved.