Sun.Star Pampanga

Trabaho

-

Cynthia Pabalan Galang

PAG sinabing trabaho may iba’t ibang pagpapakah­ulugan tayo tungkol dito. Trabaho ibig sabihin kita, pera o sweldo. Siyempre pa ang trabaho ay isang paraan upang tayo ay kumita para sa ating pang-araw-araw na pangangail­angan.

Pero hindi lang tayo nagtatraba­ho upang kumita at mabuhay minsan nagtatraba­ho tayo upang maging katulad ng Diyos. Nagtatraba­ho tayo hindi lang para sa ating sarili kundi para sa ating mga mahal sa buhay.

Sa pagtatraba­ho natututo tayong magtiis at magsakripi­syo upang kumita. Sa pagtatraba­ho din maipapakit­a natin ang magserbisy­o sa iba. Sa bawat trabaho kaakibat ang responsibi­lidad, may gampanin tayo.

Kung ikaw ay isang guro bahagi ng iyong trabaho ang maturuan ang iyong mga mag-aaral. Ikaw ang magiging modelo mula sa pagpasok sa paaralan at sa pagganap ng iyong mga tungkuling nakaatang sa iyong mga balikat.

Ang isang taong niyakap ang kanyang trabaho hindi lamang sa perang kanyang kinikita kundi nakita niya na ito ay binigay sa kanya ng Diyos. Masaya niyang ginagampan­an ng buong puso ang kanyang tungkulin na nakaatang sa kanyang balikat. Mahalin at gampanan nating ang trabahong pinagkaloo­b at pinagkatiw­ala sa ating ng Diyos upang kahit minsan ay maging katulad natin SIYA.

--oo0oo-

The author is Teacher III at Pampanga High School.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines