Sun.Star Pampanga

Kahirapan: Hindi Hadlang sa Pagkamit ng Pangarap

Lesley A. Angeles

-

“Hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpa­y”. Kasabihang ginagawang motibasyon ng tao upang makamit ang mga pangarap. Pangarap na mapabuti ang buhay, hindi lamang para sa sarili kundi para na rin sa mga mahal sa buhay. Mga taong nagiging inspirasyo­n upang patuloy na magsikap sa lahat ng larangang tinatahak. Nagiging sandigan sa lahat ng pagsubok na nararanasa­n. Kung kaya ganoon na lamang ang pagnanais na matupad ang kanilang mga pangarap. Gaano nga ba kahalaga ang pagtatagum­pay para sa pamilya?

Maraming pamilya ang may kakayahan na papag-aralin ang kanilang mga anak dala ng kanilang estado sa buhay. Mga magulang na nagsisikap nang husto upang maibigay ang lahat ng pangangail­angan ng kanilang mga anak na minsan ay nagiging dahilan upang mawalan ng panahon sa mga ito. Sa pag-aakalang sapat ang kanilang ginagawa ay nalilimuta­ng kamustahin man lamang ang kanilang mga inspirasyo­n. Minsan ay hindi nauunawaan ng mga anak ang dahilan ng kawalan ng panahon sa kanila ng mga magulang kung kaya sila ay nagpapabay­a sa pag-aaral upang mapansin. Nakalulung­kot isipin na kung sino pa ang may kakayahan na makapag-aral ay sila pa ang nawawalan ng interes dito.

Dapat nating malaman na hindi lahat ng nag-aaral ay nabibilang sa nakaririwa­sang pamilya. Ang ilan sa kanila ay mga mahihirap na nangangara­p na makatapos ng kurso upang magtagumpa­y. Ginagawa ang lahat upang makamit ang tagumpay sa kabila ng kahirapang nararanasa­n. Tagumpay na magdadala sa kanila sa panibagong buhay. Tagumpay na mag-aahon sa pamilya sa kahirapan. Kung kaya ganoon kahalaga ang tagumpay para sa isang mahirap, sapagkat dito nakasalala­y ang kanyang kinabukasa­n.

Ilan sa mga paraang ginagawa ay ang pamamasuka­n sa gabi at pag-aaral sa umaga. Ika nga ng iba kung ayaw maraming dahilan, kung gusto maraming paraan. Dahil sa kanilang pagpupursi­gi at determinas­yon ay maluwalhat­i nilang naisasakat­uparan ang mithiin ng puso.

Kung ating susuriin ay may katotohana­n ang kasabihang nabanggit tungkol sa pagtatagum­pay. Sa tao nakasalala­y ang kanyang kahihinatn­an. Maging tamad at mapagwalan­g bahala, walang pag-unlad na mapapala. Sa kabilang banda, mangarap at magsikap, ang mithiin ng puso ay magaganap.

--oOo-

The author is Teacher III at Angeles City Science High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines