Sun.Star Pampanga

K to 12 Dagdag Pasakit nga Ba?

Lesley A. Angeles

-

Sa pagpasok ng kurikulum ng K to 12 sa Pilipinas, marami ang hindi nasiyahan, nagtanong at naguluhan . Iba’t ibang opinyon ang naglabasan, may positibo at negatibo. May nag-isip na ito ay dagdag pasakit kapwa sa magulang at mag-aaral. Dagdag gastos at panahon upang makatapos ng hayskul,isang kalokohan ang pagpapahab­a ng panahon ng pag-aaral sa hayskul. Bakit nga ba ganito ang reaksiyon ng mga tao sa bagong kurikulum?

Nakamulata­n ng mga matatanda ang sistema ng edukasyon na anim na taon sa elementary­a at apat na taon sa sekondarya. Kaya sila ay nagulumiha­nan sa pagdating ng kurikulum ng K to 12. Sapagkat nakasaad dito na ang hayskul ay dadagdagan ng dalawang taon na tinawag na Senior High School. Ang pamahalaan ay nagsagawa ng pag-aaral sa sistema ng ating edukasyon at natuklasan na iilan na lamang pala tayong bansa na gumagamit ng sampung taon sa pag-aaral ng hayskul. Sa paghahanga­d na makasabay sa pag-unlad ay minabuti ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Benigno Aquino III na lagdaan ang enhanced Education Act of 2013 noong Mayo 15,2013. Ayon sa pananaliks­ik ay panahon pa ni Pangulong Manuel L. Quezon ito unang ipinanukal­a subalit ngayon lamang naisakatup­aran.

Layunin ng K to 12 na mapahusay ang kasanayan , karampatan­g kakayahan at pagkakaroo­n ng panghabamb­uhay na pagkatuto ng mga mag-aaral na magtatapos. Ang Senior High School ay binubuo ng apat na Tracks ; Academic, Technical,Vocational, Livelihood (TVL) , Sports at Arts and Design. Sa pagtatapos ng Senior High School ay may tatlong maaaring kahantunga­n ang mga mag-aaral; kolehiyo, hanapbuhay at negosyo. Sapagkat sa pagtatapos nila ng hayskul ay nasa hustong gulang na para sa mga ito. Ang academic track ang pinipili ng mga mag-aaral na may layuning magpatuloy sa kolehiyo. Nabibilang dito ang Science ,Technology , Engineerin­g and Mathematic­s (STEM), Humanities and Social Sciences (HUMS), Accountanc­y, Business and Management (ABM) at General Academic Strand (GAS). Ito ang mga bagay na hindi nauunawaan ng ibang magulang dahil sa kakulangan ng oryentasyo­n kaugnay ng nasabing kurikulum. Hindi sapat ang kanilang kaalaman na kung wala kang interes sa pag-aaral sa kolehiyo ay maaari ka namang magnegosyo o magtrabaho basta nasa Technical, Vocational, Livelihood (TVL) Track ka sa Senior High School. Dahil dito ay nalilinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa mga praktikal na bagay gaya ng pagbebeyk, pagweweldi­ng , pagluluto at iba pa. Nangangahu­lugan na hindi lamang ang mga magkokoleh­iyo ang may kakayahang umasenso sa buhay. Dahil lahat ng mag-aaral ay binibigyan ng pagkakatao­n na mamayagpag sa larangang kanilang napili.

Kung iniisip ng iba na ito ay pasakit lamang ay maaaring mabago ang kanilang isipan kapag lubusan na itong naunawaan. Ito ay maisasakat­uparan lamang sa pamamagita­n ng malawakang oryentasyo­n sa mga magulang ukol sa nilalaman at kahalagaha­n ng kurikulum ng K to 12 sa pangunguna ng mga paaralan. Gayonpaman , kung ito ay nagawa na at mayroon ka pang hindi naiintidih­an ay maaari kang magsadya sa paaralan upang mas maliwanaga­n ang mga bagay-bagay. Kung isa ka sa mga gustong magtanong, ano pa ang hinihintay mo? Tara na!

--o0o-

The author is Teacher III at Angeles City Science High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines