Sun.Star Pampanga

Statement

-

Nakahanda ang administra­syong ito na sumailalim sa special audit dahil tanging ang Commission on Audit lamang ang makapagsas­abi kung may anomalya ngang nagaganap sa isang ahensya. Ang special audit na ito ay isasagawa rin sa lahat ng tatlumpu’t-limang (35) barangay.

Ang resulta ng nasabing special audit ang siyang magiging basehan ng Syudad upang ilathala para sa bawat Fernandino ang mga kasalukuya­n at naimplemen­tang programa ng lokal na pamahalaan.

Maipagmama­laki natin na ang Syudad San Fernando ay may track record ng “Zero Disallowan­ce” at taun-taong pagkakamit ng Seal of Good Financial Housekeepi­ng.

Regular ang ating pagsusumit­e ng official report sa Commission on Audit (COA), Office of Civil Defense (OCD), para naman sa ating Calamity Fund Utilizatio­n bilang bahagi ng pagsunod natin sa full disclosure policy ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kung saan naka-post ang mga ito sa DILG Portal at sa official website ng City of San Fernando, Pampanga.

Nais ko rin pong ibahagi sa inyo na ang Syudad San Fernando ay isa sa dalawang component cities sa buong Pilipinas ang napili ng Government Procuremen­t Policy Board (GPPB) dahil sa matagumpay nitong pagsunos sa Philippine Public Procuremen­t system gamit ang itinalagan­g paraan sa ilalim ng umiiiral na mga batas. Isa po itong pagpapatun­ay na malinis ang ating proseso sa anumang aspeto ng ating pangongoby­erno.

Akin ding binabalaan ang iba pang taong sangkot sa pagkalat ng fake news na nagu-upload o nagpo-post ng mga report at private message nang walang kaukulang pahintulot para sa paninira at malisyoson­g intensyong iligaw o linlangin ang publiko. Pag-aaralan ng ating legal department ang posibleng violations sa ilalim ng Data Privacy Act upang makapaghai­n ng reklamo sa kaukulang ahensya.

Mula umaga hanggang hatinggabi ay naghahatid ng serbisyo para sa pagkain at ayuda ang ating mga empleyado sa lahat ng 35 barangay. Sinisikap nilang magbahay-bahay para maihatid ang tulong sa ilalim ng community quarantine rules. Tinataya ng ating mga health worker ang kanilang buhay sa pagrerespo­nde upang mailigtas ang karamihan bilang pagtupad sa kanilang tungkulin at misyon.

Araw-araw ay nagpa-plano at naghahanda para sa bagong hinaharap ang ating Executive Department. Para sa akin, sila ang mukha ng matibay na burukrasya sa Pilipinas. Maging ang Sanggunian­g Panlungsod, na akin ding pinamunuan sa loob ng tatlong (3) termino, ay isang iginagalan­g na institusyo­n sapagkat ito ang nagsisilbi­ng boses ng mamamayang Fernandino. Pagkatapos ng masusing pagsusuri ng mga gastusin, naipasa ng Sanggunian­g Panlungsod (SP) ang Supplement­al Budget No. 3 na naglalaman ng pondong gagamitin para sa COVID-19 response ng ating Syudad.

Muli, hinihingi ko ang inyong MALASAKIT para sa ating mga kapwa fernandino na mas nangangail­angan; KOOPERASYO­N sa pagsunod sa ilalim ng quarantine rules; at, PAKIKIISA sa direksyon ng lokal na pamahalaan upang mapagtagum­payan natin ang krisis na ito.

ayo ay nasa tamang direksyon sa pagsugpo ng sakit na COVID-19. Ang pamimigay ng relief at ayuda ay isa lamang sa mahahalaga­ng tugon ng ating Syudad. Ang mabilis, ngunit ligtas, na pagbabalik ng kabuhayan at kagalingan ng bawat pamilya ang ating patuloy na pinagtutuu­nan ng pansin at idinadalan­gin.

Fernandino, ang labang ito ay laban nating lahat. Mananatili­ng “Fernandino ing Mumuna at Fernandino ing Manimuna” sa Laban Ng Bayan kontra COVID19!

Newspapers in English

Newspapers from Philippines