Sun.Star Pampanga

COVID (Reverse Poetry)

Christophe­r L. Carreon

-

Heto na ang simula.

Dahil...

Hindi na tayo makaka-ahon.

Wag kayo maniwalang

Gagaling pa ang mundo, mula sa pandemyang ito.

Wag na tayong mag-lokohan pa!

Dahil... tapos na ang lahat!

Dahil sa kapabayaan,

Dahil sa karahasan, at

Dahil sa pagtuturua­n,

Wag kayong maniwalang

Sisigla muli ang mundo.

Wala na tayong patutunguh­an!

Kasinungal­ingang

May makakaligt­as ,

May pag-asa pa, at

Mababawasa­n ang mga biktima.

Sapagkat...

Lahat tayong nandito, makukulong.

At makinig sa mga bulong...

Huwag kang maniwala

Sige na!

Mabahala

Ka

Bakit ka pa aasa? Huwag!

Lahat tayo'y mga bulag, at

kahit kailan

Wala ng makakakita sa banaag.

Hindi totoong...

Sisikat pa ang araw.

Maniwala ka,

Lahat tayo'y unti unting mauubos, mawawala.

Hindi totoong

Ang sangakatau­han ay maka-aahon pa.

Heto na ang simula.

Ang mundo ay unti unti nang nasisira

Kalimutan mo ang iniisip mong..

May pag asa pa

Na mabubuhay pa tayo Makakaligt­as tayo sa pandemyang ito, Na gagaling tayo

Lagi mong isipin..

Na sa mundong ito walang pag asa

Na isinilang ka para magdusa

Ito na ang kabayaran sa lahat ng nagawang kasalanan

ang tao

Wag mong isiping..

Sa kinabukasa­n magandang balita

Sa pahayagan mababasang maganda

Sa mga telebisyon ibabalita unti unti nang humuhupa ang pandemya

Umasa kang..

Huli na ang lahat

Hindi na tayo magtatagal

Wala nang maliligtas

Lahat tayo mamatay

Huwag mong isipin na

Tama sila.

(Read backwards)

--o0o-

The author is Teacher I at Northville High School (SHS)

Newspapers in English

Newspapers from Philippines