Sun.Star Pampanga

MATA NG ISANG GURO SA PAGBUBUKAS NG PASUKAN NGAYONG PANAHON NG COVID

-

JAYVEE M. BINGCANG

“No Vaccine, No opening of classes”,marahil pamilyar tayo sa ganitong mga panawagan ng mga tao ngayong panahon ng pandemiya sa napipinton­g pagbubukas ng pasukan ngayong Agosto.

Maraming mga magulang ang nag-aalala sa kaligtasan at seguridad ng kanilang mga anak at marami na din ang nagsasabi na hindi na muna nila papasukin ang kanilang mga anak ngayong taon ayon sa kanila ang mahalaga ay ang kanilang kaligtasan.

Ngunit ito ang nakakalung­kot na realidad na mga sentimyent­o ng ating mga kababayan. Ano ba ng plano ng ating Kagawaran ng Edukasyon para sa pagbubukas ng pasukan? Inaapura lang ba nito na magkaroon ng klase ngayong delikado pa tao? Ayon mismo sa kalihim ng ating kagawaran,Secretary Leonor Briones “there will be no face-to face classes until we are assured of the health and safety of our learners and teachers”, dagdag pa niya na “we can provide learning opportunit­ies to our students without necessaril­y requiring them to bo to school”.

Kung pagbabaseh­an natin ang mga pahayag na ito masasabi nating walang dapat ipangamaba ang taumbayan sa pagbubukas ng klase ngayong Agosto. Bilang isang guro, papaano ko nakikita ang kalagayan ng ating mga mag-aaral sa kanilang mga kabahayan?

Maraming mga pamamaraan ang nakalatag at maaring pagpilian ng mga magulang at mga bata andiyan ang online learning na kung saan gagamit ng internet ang bata para sa kaniyang ikatututo at kung wala naman internet may ipapamahag­ing libreng modyul ang mga paaralan at ihahatid sa mga Opisayal ng Barangay upang ipamigay naman sa mga mag-aaral natin.

Bilang isang tagapagtur­o at taga-gawa ng modyul para sa taong ito, masasabi nating pinag-iisapan mismo ng kagawaran na maging produktibo parin ang mga bata sa gitna ng pandemiya. Kailangan nating sumabay sa tiantawag nating bagong normal upang hindi rin naman mapag-iwanan at ipagpatulo­y ang ating buhay.

— oOo—

The author is Teacher II at San Juan High School ( Mexico )

Newspapers in English

Newspapers from Philippines