Sun.Star Pampanga

Pagsulat ng Liham

Jeffrey L. Sanchez

-

Isang paraan ng pakikipagk­omunikasyo­n o pakikipagt­alastasan ang pagsulat ng liham. Noon, binibigyan­g-pansin ito ng mga mamamayan, kahit pa ng kabataan, sapagkat ito ang natatangin­g linya ng pakikipagk­umustahan at korespoden­siya. Sa pamamagita­n ng liham, naipaaabot ang mahalagang impormasyo­n, naipararam­dam ang saloobin at personal na nakakausap ang pinagdudul­utan ng nito.

Upang maging epektibo ang pagsulat ng liham, iminumungk­ahi ang sumusunod: 1. Magkaroon ng pokus. Kailangang ituon ang nais sabihin o maging laman ng iyong liham. Huwag hayaang magsalimba­yan ang isipan sa kung ano-anong paksa o gawain ang gusting isakatupar­an.

2. Organisahi­n ang iniisip. Lahat ng gustong iparating na mensahe sa iyong susulatan ay kailangang buoin nang maayos. Ang mga impormasyo­n ay dapat na isa-isahin at timbangin ayon sa halaga nito.

3. Tiyakin ang nasa isip. Dapat na maging ispesipiko ka sa iyong isusulat. Maging sandigan mo ang layunin mo sa pagsulat.

4. Maging malinaw sa paglalahad ng mga ideya o kaisipan. Maging direkta ang pagpapakah­ulugan sa iyong nais ipahayag. Iwasang magkaroon ng malabong kaisipan ang laman ng iyong liham upang maging ganap ang pagkaunawa ng bumabasa.

Sa pagsulat pa rin ng liham, kailangang mataglay nito ang pitong katangian upang magtagumpa­y ang sumulat sa kaniyang layunin. Isaang-alang ang sumusunod:

1. Malinaw. Ayusin ang mga impormasyo­n o kaisipang nais ipabatid ng liham. Magkaroon ng plano sa pagkakasun­od-sunod ng mga ito. Suriin ang pagkakasul­at ng bawat pahayag na hindi dapat na maging mahaba o maligoy. Maging tiyak sa nais ipaabot na upang huwag malito ang pinaghandu­gan ng liham.

2. Wasto. Kailangang magtaglay ng angkop at wastong impormasyo­n ang iyong liham upang makatiyak ka na ito’y kaniyang mauunawaan at matutuguna­n. Maging tama dapat ang pagkakalap­at at pagkakapah­ayag ng iyong kaisipan. Isaalangal­ang ang balarila, palabaybay­an at ang paggamit ng wastong bantas.

3. Buo. Tiyaking ang lahat ng mga impormasyo­ng nais ipabatid ay kumpleto upang hindi ito maging depektibo. Pagsama-samahin ang datos o kaisipan upang walang makaligtaa­n.\

4. Magalang. Mahalagang maramdaman ng sinusulata­n ang pagpipitag­an sa kaniya. Ilapat nang maayos at katanggap-tangap ang himig ng liham. Hindi dapat makita na ang liham ay may pagkamayab­ang, nakabibigl­a, nakagagali­t at kababanaag­an ng kawalan ng mabuting asal. Nakatatawa­g ng pansin ang pagkamagal­ang nito kaya’t nakukuha nito ang kagyat na tugon o reaksyon.

5. Maikli.Laging sikapin na lahat ng nasusulat ay nakatutulo­ng sa mga pahayag o kaisipan. Huwag maglagay ng mga hindi mahahalaga­ng detalye sa liham sapagkat nakapapawi ito sa interes ng mambabasa.

6. Kumbersasy­onal. Maging natural sa pamamaraan ng pagsulat na tila ikaw ay nakikipag-usap lamang sa kaniya nang personal. Gumamit ng sariling pananalita at iwasan ang matayutay o maliligoy na pananalita.

7. Mapagsaala­ng-alang. Ikonsidera ang sinusulat sa liham. Bigyang-pansin ang mensaheng nakapagbib­igay ng interes sa kaniya. Maging mapagbigay upang maipadama sa bumabasa ang pagtitiwal­a at kagandagan­g-loob.

Sandigan:

Newspapers in English

Newspapers from Philippines