Paano Tayo sa New Normal
Sinong mag-aakala na ganito ang mangyayari sa panahong ito? Wala sa hinagap ninoman na mabilis na pagbabago ang kakaharapin sa taong ito. Ang totoo, hindi natin lubusang napaghandaan ang ganitong senaryo.
Ang mabilis na paglaganap ng salot ng ito, hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo, ay nagdulot sa atin ng kabi-kabilang pangamba at pag-aalala. Mangyari, hindi biro ang panganib na bunga nito lalo pa’t buhay ang nakataya.
Ang paglilipat at pagsasalin ng karamdamang ito ay napakadali. Bagama’t may sintomas na makikita, subali’t may ilan kundi man sa marami, ang hindi nagpapamalas ng mga palatantadaan ng nakamamatay na sakit. Wala ring pinipiling gulang ang maaaring kapitan, mula sa batang sanggol hanggang sa mga matatanda, mayaman man o mahirap, may pinag-aralan man o wala, makapangyarihan man o simpleng mamamayan, ay hindi makaliligtas sa ganitong sakunang pangkalusugan.Kung ganito ang sitwasyon sa kasalukuyan, paano tayo?
Naging palasak ngayon ang salitang new normal. Hindi sinabing abnormal o hindi normal kundi ang makabagong normal. Ibig sabihin, ito na ang magiging takbo ng buhay ng tao at ng lipunan sa kasalukuyang panahon.
Kung pananamit ang pag-uusapan, bahagi na ng ating kasuotan ang face mask o maging ang face shield. Kung fashion style ang bibigyang-pansin, kung hindi man tayo magsusuot ng personal protective equipment, ay magiging kahalintulad na ng fashion statement ang mga PPE. Bawal na rin ang ugnayangsosyal. Kailangang panatilihin ang social distancing na tinatawag, at ang nakasanayang pagmamano, pagyakap o paghalik bilang pagpipitagan ay hindi na pahihintulutan. Ang paglalaro ng mga bata sa labas ng tahanan kasama ang mga kaibigan ay hindi rin pinapayagan.
Kung lalagumin natin ang lahat ng kabawalan, hindi man hayagang sabihin ng Pamahalaan, tila bilanggo na tayo sa kasalukuyan na ang salarin ay ang salot na mula sa Wuhan.
Hindi biro ang ganito nating kalagayan. Kung umaaray na rin ang sektor ng negosyo at kalakalan, gaanong hapdi, kirot at hambalos na kaya ang tinitiis ng karaniwang mamamayan? Ilang milyong Pilipino na ang nawalan ng hanapbuhay? Ilang milyong sikmura na ang kumakalam? Ilang milyong kabataan na ang nawawalan ng pag-asa na makapagtapos ng pag-aaral?
Ang pangyayaring ito ay inulit na lamang ng kasaysayan. Kung lilingunin, nagkaroon din ng pandemya noon na tinawag na Spanish Influenza na kumitil ng milyon-milyong buhay. Ganito rin ang naging buhay nila noon na kanilang ipinagtagumpay, at tayo ngayon, na atin ding dapat sanang malampasan. Edukasyon.
Kaliwa’t kanan nating naririnig kung bakit kailangang ipagpatuloy sa ganitong panahon ang pagsisikhay ng karunungan. Bakit kailangang mag-aral kung nasasapanganib ang kalusugan at kaligtasan ng kabataan? Bakit kailangang buksan ang mga pahina ng aklat kung ang magdudulot nito ay maaaring mahurno sa nagngangalit na apoy, at sa huli’y maisilid sa munting lalagyan? Sabi nga ng Biblia, pakahangarin mo ang karunungan gaano man ito kamahal.
Sa ngayon, adhikain ng Kagawaran ng Edukasyon na maipagpatuloy ang pag-aaral. Ipinanukala nilang isagawa ito sa pamamagitan ng online classes, sa paggamit ng modyul, sa pakikinig sa radyo, sa panonood sa telebisyon, at sa iba pang pamamaraan. Ayon sa kanila, hindi marapat na maisaalang-alang ang pagkatuto sapagkat may iba namang opsyon matugunan lamang ang hinihingi sa pagtatamo ng karunungan at kasanayan. Hindi tayo dapat na maiwan sa mabilis na arangkada sa new normal.
Oo, maaaring hindi pa tayo ganap na handa sa binubuksang alternatibong pamamaraan. Hindi ganoon kalakas ang signal ng internet sa bansa. Sinasabi ng ilan, kundi man ng marami, wala namang computer, laptop o cellphone ang mga mag-aaral.
Hindi rin diumano naaabot ng frequency ng radyo o telebisyon ang kanilang lugar at paano raw matututo ang kanilang mga anak kung maging ang kanilang magulang ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral. Marami talagang pagmamatwid na maririnig, maraming pasubali ang isasagot, subali’t kung hindi natin pagsisikapang makaagapay tayo sa pagbabago, kung ang layunin ng virus na ito ay palubugin ang barkong ating sinasakyan, hahayaan ba nating malunod tayo at tuluyang mamamatay?
Totoong nakabibigla at nakatatakot ang panahong ating nilalakbay, subalit kung maghihintay na lamang tayo sa pagdating ng panahon, kailan ito mangyayari? Wala na ba tayong gagawin at iaasa nang tuluyan sa kapalaran ang ating buhay?
Magtulungan tayo. Sikapin ng bawat isa na makapag-ambag sa lipunan. Sundin natin ang mga panuntunan. Ang laban na ito ay hindi lamang sa kaniya kundi sa ating lahat. Huwag nating hayaan maglaho nang lubusan ang ating pag-asa at nawa ay makaagapay tayo sa tinatawag na new normal.
According to a study conducted by American Psychological Association in 2015, 60% of people in the US cited work as the top source of stress in their lives. Another study conducted by the American Federation of Teachers reported that more than two thirds of teachers surveyed suffered from poor mental health. This situation is something that is all too familiar in our country. In the past few years, there has been reports of teachers suffering from burnouts and depression. Some even end their own lives. This is the sad reality we have nowadays, and now, more than ever, this needs to be addressed.
In a news report last 2018, there were two public school teachers, one from Leyte and one from Cavite, who committed suicide due to work-related issues. This was a pressing issue stressed by Senator Win Gatchalian, who called on the Department of Education to utilize guidance counselors not only for the learners but also the teachers as well. With mental health still a somewhat taboo topic to be discussed in the country, help could be very hard to find. Not to mention the limited number of counselors or psychiatrists the teachers can go to for advice. Ideally, there should be one guidance counselor for every 500 students in Philippine public schools. Unfortunately, there are only 3220 registered guidance counselors as of July 2017.
According to an article on Educational Leadership entitled “The Elephant in the Classroom” by Henry Seton, “Teacher mental health is vital to safe and healthy schools. But it often gets neglected.” Teachers are often the ones who look after the welfare of their students, but often, their own mental health gets pushed aside. Other than that, bountiful tasks need to be worked on. Not to mention the competitive promotion system and further education can sometimes put a toll on their mental health. This can impact the overall wellbeing of the teacher and in return, could affect their work performance. This could also affect their students’level of achievement.
How can teachers’mental health be improved? First is to teach stress reduction techniques. If counselors are not available, school administrations should invite expert in mental health to conduct stress management seminars for teachers. Second, remove mental health stigma. Mental health is an important issue people should talk about more openly. Third is prioritizing wellness and self-care. It is very important to take care of oneself before being able to take care of others. Lastly, implementing a growth mindset and positive attitude towards teaching greatly helps in maintain a healthy mental state. When presented with problems or challenges in the profession, one must pause for a while and look back on personal goals (be it short-term or long-term). Finishing a paperwork within a deadline or finishing a graduate degree can equally become satisfying because they are both goals one aims for and can succeed in.
Teachers’mental health are issues meant to be addressed and not to be taken lightly. Teachers need to have all the mental health support they can get to be able to create a safe and loving classroom environment.