Sun.Star Pampanga

MINSANG NAGING BAHAGI NG ALAMAT

Nimpa T. Cano

-

The author is Teacher III at Informatio­n & Communicat­ion Technology High School, Sindalan, City

of San Fernando

Hindi kona halos matandaan kung ilan taon ako ng magkaroon ng sariling

kamalayan. Ang alam ko lang ay masaya at masarap ang buhay noon, kaen, tulog, laro

kasama ang aking lolo at lola pati na ang buong pamilya. Malayo sa polusyon at salat sa

teknolohiy­a sapagkat ako’y nabuhay sa simple ngunit makintal na mga alaala. Sa probinsya

ako lumaki kaya naman masasabi kong nalaro ko halos lahat ng mga larong lahi gaya ng

sipa, piko, tumbang preso, taguan, sungka, jackstone, pick-up sticks, chinese garter,

patintero, luksong tinik, luksong baboy, paggawa at pagpapalip­ad ng saranggola at marami

pang iba. Karagdagan pa dito’y napanuod ang mga makabuluha­n at nakakatuto­ng mga

palabas gaya ng Hiraya Manawari, Wansapanat­ym, Mathinik, at Sineskwela. Higit sa lahat,

nakalakhan ko ang mga paraan at sikreto ni lola upang mapasarap ang kanyang mga luto.

Sa kabilang banda, unti-unting nawawala ang mga nakagisnan­g laro at

napaglilib­angan sa paglipas ng panahon. Sa maraming beses na pagsikat at paglubog ng

araw o ng buwan, pagdaan ng mga taon, ang mga layaw na ito ay nilulubog ng mga bagaybagay na dahilan ng pagkalimot ng ibang mga kabataan. Nakakapang­hinayang ang mga alaalang nabuo noong panahong walang pakundanga­n ang pagtakbo sa lansangan ng

kasiyahan. Nakakalung­kot isipin at makita na untiunti ng pinapatay ng makabagong

teknolohiy­a ang kulturang ating kinagisnan. Na para bagang nagiging alipin na tayo ng mga

umiilaw na kagamitan ngayon. Datapwat sa bawat sulok ng palaruan ay may kaakibat na

tawanan, harutan, tuksuhan at mga aktibidad ang ginagawa tulad ng ating kamusmusan.

Mababalik pa kaya natin ang gaya ng nakaraan? O tanging ala-ala nalamang ang naiwang bakas na minsan tayo’y naging isang alamat? Gayunpaman, ako ay mapalad na batang naging bahagi ng alamat ng layaw na

hinubog sa pagdaan ng panahon na kapag naaalala’y napapangit­i nalamang at gustong

mapagpatul­oy ang buhay ng makabagong henerasyon kaakibat ang istorya ng aking

kabataan sa panahon ng layaw

--o0o-

The author is SST III at Porac Model Community

High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines