BAGSIK NA EPEKTO AT HAMON NG QUARANTINE DAHIL SA COVID-19
Nimpa T. Cano
Sino ako at kamusta nga ba ako sa panahon ng COVID ECQ? Gaya ng
ibang ordinaryong mamamayan, noong una’y sadyang napakalungkot ng aking
pakiramdam dahil sa katotohanang di natin nakikita ang ating kalaban (virus) at marami
narin ang nagkakasakit di lamang sa ating bansa kundi pati narin sa maraming dako
ng mundo.
Karagdagan pa dito, naiiyak nalamang ako kapag nakikita ang mga kapwa
kong nawalan ng pinagkakitaan lalo na yung may maliliit pang mga anak. Subalit, ang
naramdamang kalungkutan ang nagging daan upang kumilos at makatulong ng kahit konti
man lang. Sa panahon ng ECQ, maraming realisasyon ang pumasok sa aking isipan
gayundin, maraming mga bagay na nagawa lalo na ang pagbibigay panahon at oras sa
pamilya na dati’y inaasam lamang. Sa ngayon, unti-unti ng nakakapamuhay ng naka
akma sa tinatawag nilang “new normal”.
Sa kabilang dako, sa nabasa at napanuod na mga artikulong ibinahagi ng
aming guro, nabahala ako sa pwedeng kakaharapin ng mga mag-aaral sa bansa,
mga anak sa bawat tahanan at mga manggagawa ng pamayanan. Hindi biro ang hatid na
perwisyo ng pandemya sa ating mga Pilipino at sa iba pang lahi kaya naman ang
pakiusap ng gobyerno ay habaan pa natin an gating pang-unawa dahil kung hindi
susunod ay baka mas marami pang ang tamaan ng salot.
Sa aking pagkabahala’y nakagawa ng tula upang ipabatid sa mga mag-aaral
o kapwa kung anong maaari nating iambag sa mga panahong tayo’y
nakararanas ng pagsubok. “May pagsubok man na nararanasan o wala, marapat lamang
taglayin natin ang pagkakaroon ng disiplina at tiwala sa Kanya, upang pandemya ay
mabilis na mawala, isaisip at isapuso natin ang pagmamahalan sa kapwa at gawin natin itong sama-sama at
may tiyaga”.
Samantala, maraming negatibong epekto ang COVID-19 hindi lamang sa kalusugan, kabuhayan, katiwasayan ng isip ngunit pati narin sa edukasyon.
Saan na nga ba ang edukasyon sa panahon ng krisis? Ayon sa artikulo, maraming
maaaring gawin ang mga guro o mga magulang upang hindi matigil ang pag-aaral ng mga
kabataan.
Nandyan ang midya upang makatulong na mapahusay ang bawat bata. Subalit, mayroong agam-agam ang sumasagi sa isipan, may kinabukasan
nga ba ang edukasyon sa bayan natin gamit ang makabagong midya? Marahil sa
mga mayayaman o may kaya sa buhay ay makakatulong ang makabagong midya
sa kanilang pag-aaral ngunit paano nalang ang mga nasa laylayan na sa panahong ito
ay ang ikakabuhay lamang nila ang kanilang nasa isipan? Paano na ang mga mahal
kong mga
Ayta na nasa kabundukan? Mabibigyan ba sila at makakagamit ng
makabagong teknolohiya upang maisakatuparan ang pag-aaral na gamit ang bagong
midya? Sa ganitong kalagayan, mga kaguro’y ating alalahanin na mayroon tayong
tinatawag na
“Humanizing Education” na kung saan tayo’y magtuturo upang mahubog ang
mga bata hindi lamang ng kanilang isipan kundi ang kanilang buong katauhan. Magturo
na gamit hindi lamang ang isip datapwat pati ang puso upang makintal natin ang
bawat mag-aaral.
Ika nga sa kasabihan, “madaling maging tao pero mahirap magpakatao”.
Kaya marapat lamang na mabigyan ng pantay na kalidad ang edukasyon (equality and
equity) ang bawat mag-aaral upang ang kalidad ng edukasyon ay tuluyang mapalaganap.
Higit sa lahat, kailangang hubugin muna ang mga kabataan sa kanilang pinagmulan
bago higit mapabihasa sa ibayong larangan (lokalisasyon bago globalisasyon) gamit
ang tradisyonal man na pamamaraan o makabagong midya ang paghuhugutan.
Ito ang bagsik na epekto at hamon ng quarantine ng dahil sa COVID-19.
--o0o-
The author is SST III at Porac Model Community High School