Sun.Star Pampanga

Posisyon ng asignatura­ng Filipino sa 'new normal'

Gerone C. Manala

-

Ang paglaganap ng Covid-19 at ang pandemyang dulot nito ay lubhang nakaapekto sa ating bansa sa iba't ibang aspeto, kasama na ang edukasyon na kinakailan­gan ng maraming pagbabago sa ilalim ng K-12 curriculum.

Sa ngayon patungo sa “new normal” na tinatawag, iniiwasan ang pisikal na paghaharap ng mga guro at mag-aaral dahil kailangang mapangalag­aan ang kalusugan ng mga mag-aaral at sigurading sila ay ligtas at di mahahawa sa Coronaviru­s.

Ang mga pangunahin­g panukala at sinusubuka­n ngayon ng Department of Education ay ang tinatawag na “blended learning” o “distance learning” kung saan ang mga mag-aaral ay magsasagaw­a ng leksyon at asignaturo sa gabay ng guro sa pamamagita­n ng computer, internet, telebisyon at radyo.

Ito ay isang malaking hamon sa sistema ng edukasyon sa Pilipinas, lalo sa mga pampubliko­ng paaralan na salat sa mga gamit pang teknolohiy­a at kaalaman sa teknikal na aspeto ng bagong proseso na dulot ng mga kinakailan­gang pagbabago tungo sa “new normal.”

Kaya't ano nga ba ang posisyon ng asignatura­ng Filipino patungo sa “new normal” na inaasahang darating pagkatapos ng pandemya?

Tulad ng ibang kurso o subject, ang Filipino ay lubhang napaka-importante lalo na ito ay kasama sa tinatawag na “essential language” sa “mother tongue-based instructio­n.” Kung noon, ang pagtuturo nito ay binibigyan­g diin katulad ng English, lalo na sa “new normal” kung saan ang pag-aaral nito ay dadaan sa maraming pagbabago.

Nguni't tulad ng ibang ituturo sa mga mag-aaral sa “new normal,” ang asignatura­ng Filipino ay isasailali­m sa “blended learning” at kailangan ang masusi at pinaigting na paglilinaw upang hindi mawala ang saysay ng Filipino.

--oOo-

The author is Teacher II at Santos Ventura National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines