Sun.Star Pampanga

Highway Patrol Unit 3 in action

-

Isang linggo nang magsimula ang Enhanced Community Quaratine (ECQ) nagsimula din ang isinasagaw­ang Checkpoint ng mga personnel ng Highway Patrol Unit III ( HPU3) .

Sa pamumuno ni Lt. Col. Carlito Narag Jr. ng HPU3, patuloy ang trabaho ng kanyang mga tauhan sa pagsasagaw­a ng mga Checkpoint sa buong Central Luzon.

Halos araw’t gabi ang pagbabanta­y ng mga tauhan ng HPU3 sa iba’t ibang checkpoint sa rehiyon, ayon kay Narag.

Walang humpay ang isinasagaw­ang Checkpoint ng HPU3, ito’y upang magsagawa ng pag-inspeksyon ng mga cargo truck na nagdadala ng food items sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Ito’y upang hindi ma-delay ang pagdeliber ng mga cargo truck driver sa destinasyo­n ng kanilang dalang food item.

Masusing pag-inspeksyon ang ginagawa ng HPU3 sa mga cargo truck para di makalusot ang anumang ilegal na kargado ng mga truck.

Dahil sa COVID-19 virus, ang mga personnel ng HPU3 nakatalaga sa mga checkpoint ay pawang naka protected shield, ayon pa kay Narag.

Kanila din tiniyak ang kanyang mga tauhan sumusunod sa Health Protocol upang di sila mahawa sa virus.

Hindi biro ang ginagampan­an na trabaho ng mga personnel ng HPU3 sa panahon ng Pandemic dahil sila’y maaaring mahawa ano man oras.

Sa record ng PNP halos umaabot na sa 1,000 pulis ang nagpositib­o sa COVID-19 at karamihan sa kanila ay nakatalaga sa mga Checkpoint sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa pamumuno ni Lt. Col. Narag sa HPU3 naging nasa action ang kanyang mga tauhan. Mabuhay po kayo!

*****

PANA hall sa PRO3 headquarte­rs nasunog? Noong Huwebes ng gabi maraming nagulat sa pagkakasun­og ng PANA hall (Multi-Purpose hall)

Maging ang Dateline ay hindi makapaniwa­la na magkakaroo­n ng sunog sa loob ng Camp Olivas dahil ito’y “well secured” ito.

Halos 35 taon na nagkokober ang Dateline ni walang naganap ng anumang sunog sa loob ng Olivas.

Sang-ayon sa source ng Olivas nagsimula ang nasabing sunog dahil sa faulty wiring.

Subalit hanggang sa sinusulat ito wala pang resulta ibinigay ng mga arson probers.

Hanggang sa kasalukuya­n wala pang ibinibigay na halaga ang PRO3 director kung magkano ang naabong kagamitan.

Noong si dating PRO3 director si Retired Brig. Gen. Arron Aquino kanyang pinaayos ang nasabing hall kaya naman pinalitan nito ang pangalan mula sa Officers Club naging PANA hall.

At pinalitan na ang pangalan ng PANA hall nang iba na ang PRO3 director. Sa tagal nang nakatayo ang nasabing hall, bakit ngayon lang nasunog ito? Nagtatanon­g lang po...

 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines