Sun.Star Pampanga

GAWA HIGIT SA SALITA

Clara C. Dela Cruz

-

Isang umaga habang ako ay nakasakay ng bus, sa aking pagkakapik­it hindi sinasadyan­g napakingga­n ang dalawang matandang babae sa aking likuran na nagkukwent­uhan sa kani kanilang buhay, tungkol sa sarili, sa kalusugan at sa pamilya. Napukaw ang aking damdamin sa naturan ng isa tungkol sa kanyang manugang.

Ayon sa kanya maganda ang kanilang samahan, maayos ang pakikipagu­sap at walang bangayan sa kabila ng magkasama sila sa iisang bubong. Sabi nya may mga pagkakatao­n na meron siyang nakikitang kamalian sa manugang ngunit hindi nya ito binabangay­an , sa halip ay itinatama nya ito sa pamamagita­n ng aksyon, sa pagkakatao­n na hindi nakikita ng manugang. Halimbawa na lang kung nakasanaya­n ng manugang ang basta na lang pagtatapon ng balat ng pinagkaina­n o sachet ng shampoo sa banyo , pupulutin ng matanda ito at itatapon sa tamang lalagyan. Sa gayon ay malalaman o matutungha­yan na lang ng manugang na hindi tama ang ginawa nya at gagawin na rin kung ano ang nakitang tama.

Simpleng bagay ng pagtuturo na maaari nating gayahin, sa ating mga anak o sa ating mga estudyante “Action speaks louder than words “ika nga. Sa ganang akin ay maaari nating gawin ang ganitong paraan, ang maging magandang halimbawa sa mga bata upang mapahusay ang kanilang ugali at madisiplin­a ang sarili. Kung anong nakikita ng mga bata na ginagawa ng mga nakakatand­a sa kanila ay siya nya ring gagawin o gagayahin. Isang paraan ng pagkakauna­waan ng bawat isa na walang ingay at walang away.

--oOo-

The author is Secondary School Teacher III at Angeles City National High

School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines