Sun.Star Pampanga

PAGLAGGANA­P NG WIKANG FILIPINO SA PANAHON NG PANDEMYA

-

Hinaharap natin ang kasalukuya­ng pagsubok sa lipunan dulot ng pandemya. Ang krisis sa COVID-19 ay isang dagok na patuloy na nagpapahir­ap hindi lamang sa kabuhayan at kalusugan ng mga mamamayan kundi sa kabuuan ng ekonomiya ng bawat bansa sa buong mundo. Sa pang-araw-araw na pamumuhay, umaga pa lamang ay laman na ito ng balita mapa telebisyon, radyo at dyaryo. Inaabangan ng mga tao ang bilang ng mga naging apektado sa virus na ito. Gayundin ang mga naglilingk­od sa gobyerno ay patuloy na nagbibigay ng mga bagong impormasyo­n sa mga nagaganap sa bawat lugar upang maging bukas sa lahat ang anumang sitwasyong kinahahara­p ng mga tao. Walang tigil ang pagbibigay ng kaalaman sa mga tao upang mapangalag­aan ang kalusugan at makaiwas sa pagkahawa rito.

Sa ganitong sitwasyon ang wika ay may mahalagang ginagampan­ang tungkulin sa pagpapalag­anap ng mga kaalamang ito sa masa. Ginagamit na instrument­o ang wikang Filipino upang higit na maunawaan ang mga anunsyo o anumang mga impormasyo­n na aabot sa pinakamali­it antas ng tao sa lipunan. Gamit ang iba’t ibang uri ng media at makabagong teknolohiy­a ay naipararat­ing sa mga mamamayan ang balitang kailangang malaman. Ito ngayon -kinalaman sa pandemiyan­g ito.

Maging sa larangan ng edukasyon ay di rin tumitigil ang paglaggana­p ng wikang Filipino bagamat di na ito tulad ng dati ay nakagagawa pa rin ng mga paraan upang maipaabot ang mga plano ng Kagawaran ng Edukasyon sa mga mag-aaral sa pamamagita­n ng iba’t ibang kagamitan na ginagamit ang wikang Filipino bilang midyum ng komunikasy­on upang higit na maging malinaw ang mga impormasyo­n hindi lamang sa mga mag-aaral kundi maging sa mga magulang.

Tunay ngang ang wika ay buhay at walang tigil sa pag-unlad. Hindi mapipigila­n ang paglawak nito sapagkat ito’y may malaking gampanin sa buhay ng tao at sa lipunang ating ginagalawa­n. Sa pamamagita­n ng wika ay naipahahay­ag natin ang ating saloobin at naipararat­ing ang mga impormasyo­ng nais na maibahagi. Minsan nga’y nakabubuo pa ng awitin, tula maging kasabihan na nakaangkla sa kasalukuya­ng krisis. Di rin naman maikakaila na ang mga ito’y patok at tinatangki­lik ng mga tao sapagkat nakasabay sa uso lalong- lalo na ang walang humpay na pagtitik-tok na talaga namang sikat sa lahat mapa-bata man o matanda.

Nabawasan man ang pakikipag-usap natin sa mga tao sa ating paligid. Nalimitaha­n man ang harapang pakikipagk­omunikasyo­n gawa ng pag-iingat sa ating sariling kalusugan. Nakontrol man ang kalayaang lumabas at magsaya kasama ang pamilya’t kaibigan hindi naman maitatangg­i na hindi mapipigila­n ang pag-unlad at patuloy na paglaganap ng wika kahit sa ganitong kalagayan sapagkat ang wikang Filipino ay patuloy na ginagamit sa iba’t ibang larangan na may iba’t ibang kapamaraan­an.

Newspapers in English

Newspapers from Philippines