Sun.Star Pampanga

Dahil sa palpak na operasyon nasibak?

-

Dahil umano sa palpak na isinagawan­g operasyon ng San Jose Del Monte Police Station, nasibak ang 11 police officers.

Batay sa police report, nangyari ang naturang palpak na operasyon noong Pebrero na kung saan kungwari nagsagawa ng isang buy-bust operation ang mga operatiba ng San Jose Del Monte City police.

Sa nasabing anti-illegal drugs operasyon isang armed encounter ang naganap at dalawa suspek ang napatay umano. Sang-ayon sa police report, anim na pinaghihin­alaan drug personalit­ies ang dinukot umano ng nabanggit na police station at ikinulong sa kanilang police station.

At noong Pebrero, dalawa sa kanila ang napatay sa isang buybust operation.

Ang mga kamag-anak ng mga biktima ay nagsumbong at nagreklamo umano sa otoridad na kung saan inimbestig­ahan ng National Bureau Investigat­ion (NBI).

Sang-ayon sa report ng NBI ginawang accomplish­ment report ng San Jose Del Monte City police ang naturang buy-bust operation.

Kaya naman sa lumabas na imbestigas­yon ng NBI isang fake na operasyon ang isinagawa ng mga tauhan ng San Jose Del Monte City police

Sinampahan ng NBI na kasong for kidnapping with murder, planting of firearms and planting of illegal drugs before the Department of Justice.

Ang mga nasibak ay kinabibila­ngan nina Maj. Leo dela Rosa; S/Sgts. Benjie Enconado, Jayson Legaspi, Irwin Yuson and Edmund Catubay Jr., Cpls. Jay Leoncio, Herbert Hernandez, Raymond Bayan and Raul Malgapo, and Pat. Erwin Sabido and Rusco Madla.

Pansamanta­la inilipat ang mga ito sa Bulacan Police Provincial Office at sasampahan umano ng kaukulang kaso.

---Sunnex

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines