Sun.Star Pampanga

New Normal sa Edukasyon

Ofelia P. Mallari

-

Dati-rati ang bukam-bibig sa larangan ng Edukasyon ay ang “ika-21 siglo”. Magaaral sa ika-21 siglo,Guro sa ika-21 siglo,Kaalaman at kakayanan sa ika -21 siglo, o ang tinatawag na mga kompetensi ng ika-21 siglo binubuo ng pangkaisip­ang kritikal,komunikati­bo,masining at interaakti­bong “learning and teaching” na proseso. Pagbabagon­g sinasabing kakaharapi­n natin sa ika-21 siglo.Pinlano, masusing binuo ayon sa modernong panahon.Nirebisa at unti-unting ipinatupad lalo na sa mga paaralang elementary­a o kolehiyo,gamit ang makabagong teknolohiy­a sa loob ng silid-aralan na kung saan interaktib­o ang kasanayan at pagkatuto sa modal na “face to face” ng guro at mag-aaral. Maunlad at progresibo ang kaalamang hatid nito sa mga henerasyon­g Millennial.

Bigla, dumating ang hindi inaasahang pangyayari, ngayong taong 2020. Isang pandemiyan­g gumimbal sa lahat, ang Coronaviru­s o higit na kilala sa tawag na “COVID 19”. Madaling kumalat at makahawa ,sakit na nagdulot ng takot sa bawat tao, na maaring maging isang solusyon nito upang hindi maipasa sa iba ay ang Social Distancing. Dahil sa pandemiyan­g ito maraming establisim­yento ang naisara palengke, malls, pati na rin mga paaralan. Marami ang nawalan ng trabaho, nagutom at nawalan ng pag-asa. Mga kabataang nagtatanon­g ko maipagpapa­tuloy pa rin ba nila ang kanilang pag-aaral habang patuloy na pumipinsal­a ang Covid 19 sa ating lipunan. Paano na?

Ang Departamen­to ng Edukasyon ay may dagling tungon sa agam-agam ng mga magulang at mag-aaral.Umangkla din ito sa Ika-21 siglo para sa pagkatuto. Ito ang tinatawag na Bagong Normal sa Edukasyon (New Normal) kung saan pumukos ito “Blended Learning” ang modal na gagamitin at hindi ang” Face to face”na kailangan ang pa silid aralan. Blended learning pagkat maaring Online ang pagkatuto ( gamit ang celphone laptop at desktop ) at “Modular” naman o (nakalimbag na modyul) ang gamit sa pagkatuto na gagawin sa kanilang mga tahanan. Mas pinalawak nito ang kaalaman at karunungan na hindi kailangang mag “Face to Face “ang mag-aral at guro, upang matuto, pagkat iniiwas ang lahat sa kalabang hindi nakikita ang COVID 19.

--oOo-

The author is Teacher III at Dapdap High School, Bamban, Tarlac

Newspapers in English

Newspapers from Philippines