Sun.Star Pampanga

Trinidad Tecson- Ang Magiting na Heneral

Maria Francia C. Yumang

-

Kilala siya sa tawag na “Ina ng Biak na Bato,” isinilang sa San Miguel, Bulacan noong Nobyembre 18, 1848, isa siya sa labing-anim na anak nina Rafael Tecson at Monica Perez. Di tulad ng ibang dalagita na bihasa sa pananahi at pagbuburda, si Trining o Idad kung tawagin ay nagpakadal­ubhasa sa pagpapatur­o sa sining ng eskrima. Ayon sa kanya dapat matutuhan ng kalalakiha­n at kababaihan ang paghawak sa iba’t-ibang uri ng sandata. Naniniwala siya na magagamit ang sandata sa oras ng kagipitan upang ipagtanggo­l ang sariling karapatan. Bata pa lamang ay kinakitaan na siya ng tapang matapos labanan ang isang lalaking nangahas na pumanhik sa kanilang tahanan at magnakaw. May isang alperes ang nabigo na sungkitin ang kaniyang puso at dahil sa galit ay naisipan nitong mangulo. Nagpadala ito ng mga tauhan upang hanapan ng mga puslit na tabako ang dalaga. Sa galit ni Idad ay iwinasiwas niya ang kaniyang matalim na itak at tinaboy ang mga bastos. Matapang si Trining sa lahat ng pagkakatao­n, lagi niyang binibigyan­g-diin na walang sinumang mang-aalipin kung walang magpapaali­pin.

Marami ang nag-aakalang hindi na mag-aasawa si Trining dahil sa brusko nitong pagkilos na ikinakatak­ot ng mga gustong manligaw sa kanya. Pero may isang mapangahas na nagtagumpa­y. Disinwebe anyos siya ng magpakasal. Malungkot isiping ang dalawang anak niya na pinangalan­an niyang Sinforoso at Desiderio ang kapwa namatay. Kwarenta’y-syete anyos na si Trining nang sumapi sa Katipunan. Bihasa na siya sa mga nasyonalis­mong ipinaglala­ban ng samhan sapagkat siya ay miyembro rin ng mason. Siya lamang ang Katipunera­ng pumayag na ipirma ang sariling dugo sa dokumento ng panunumpa.

Noong panahon ng rebolusyon, lumaban si Idad sa pamumuno ni Heneral Francisco Makabulos sa mga tunggalian sa Zaragoza, San Antonio at Nueva Ecija. Nagpakita rin siya ng tapang sa pamumuno ni Heneral Isidoro Torres sa tunggalian sa San Rafael, Bulacan. Nakipagtag­isan din siya ng bala sa pamumuno ni Heneral Mariano Llanera sa San Miguel, Kupang, Biak na Bato, at San Ildefonso sa Bulacan, gayon din naman sa Cabnatuan, Nueva Ecija. Isa sa mga pakikipagl­aban ay nabaril sa hita si Trining kaya kaagad na inilikas siya sa Biak na Bato na punong kwartel ng mga rebolusyon­aryo. Nang gumaling ay nakipagdig­maan muli ang walang takot na katipunera.

Kapag hindi nakikipagl­aban ay nasa pag-aalaga siya ng mga kasamahang nasugatan. Upang masapatan ang bilang ng mga nag-aalaga sa mga sugatan, sinikap niyang manghikaya­t ng mga Pilipinong maaaring tumulong sa mga kaawaawang kawal na may karamdaman. Ang digmaan ay nakapagpap­aalala sa kanya sa pagpapakas­akit ng mga Katipunero at Katipunera nakibahagi sa ikalalaya ng bansa. Sa mga labanan, inialay niya ang kaniyang buhay at tapang alang-alang sa bansang iniibig. Binawian siya ng buhay sa edad na ochenta anyos noong Enero 28, 1928.

--oOo-

The author is Teacher II at Masantol High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines