Kaisipang Pilipino sa Tinig ng Kabataan
Anna I. Ramos
“Ang panahon ngayon ay di tulad ng panahon namin noon.” Ito ang kalimitang maririnig mula sa mga lola’t lola natin. Ibang-iba na nga ba ang hugis ng pag-iisip ng mga Pilipino sa kasalukuyan kung ikukumpara noon? O sadya lamang bang naikandado ang mga ito dahil sa pamamayagpag ng kaisipang Kanluranin?
Ang hugis ng kaisipang Pilipino ay patuloy na hinuhulma ng taong-bayan upang magkaroon siya ng sariling pagpapakahulugan sa buhay. Nagiging repleksyon ito sa pamamaraan ng kaniyang pag-iisip, pananaw at pagkilos. Kabilang ako sa maliit na porsiyento ng kabataan na naniniwalang, ang kaisipang Pilipino ay hindi naman talaga nakaligtaan o pinagwalang bahala ng aming henerasyon. Dahil sa matagal na pagkakabilad natin sa kaisipang Kanluranin, maaaring inakala ng iba na ang katutubong kaisipan ay tuluyan na naming ibinaon sa lupa.
Ika nga ni Edmund Husserl, kinikilalang ama ng paaralang pag-iisip ng penomenolohiya, “Balik sa mga bagay mismo.” Tayo ay babalik din sa karanasang bayan upang bigyan ito ng panibagong bihis na aangkop sa kasalukuyang kalagayan.
Sa ating pakikibaka, sadyang dumarating ang pagkakataon na nagiging marupok at mahina tayo sapagkat tayo ay tao na di perpekto. Ang ilan sa pagpapasiya na ating ginagawa ay kabaligtaran sa dapat na asahan. Nagreresulta ito ng kabiguan sa dapat na asahan mula sa atin. May mga pagkakamali at pagkukulang tayo na di maunawaan na nagpapamalas ng karupukan. Tayo ay pilit naghahanap ng mga kasagutan kaya hindi tayo nawawalan ng dahilan. Ang mga dahilan na ito ay hindi mga palusot bagkus ito ay mga dahilan ng ating kaisipan. Kailangang maging Positibo tayo na magiging maayos at handing magtiis sa iba’t ibang pagsubok ng buhay. Nakararamdam din naman tayong hiya sa ilang pagkukulang at kapalpakan natin. Ninanais lamang natin ang pakiramdam ng pakikipagsapalaran na may hangaring malunasan ang iba’t ibang problema at pangangailangan sa buhay. Malakas ang loob natin sa maraming bagay. Madalas man tayong mapagsabihan pero iniiwasan nating gumawa o makapagsalita ng anumang bagay na makasisira sa magandang ugnayan ng ating kapwa. Ang pananahimik ang siyang nagiging solusyon upang walang masaktan. Ngunit hindi nangangahulugan na wala tayong pakialam. Malaki ang tiwala, malakas ang loob at lubos ang paniniwala sa ating likas na abilidad.
Hindi ito isang pagyayabang kundi, isang tinig na magmumulat sa kaisipang Pilipino kasalukuyan.
The author is Teacher
--oOo-
II at Doña Asuncion Lee Integrated School