Sun.Star Pampanga

IMPLUWENSI­YA NG LINGUA FRANCA SA ONLINE NA PAGNENEGOS­YO

Roselle P. De Jesus

-

Ayon kay Chinkee Tan na isang Financial Adviser, “Hindi lang pag-popost ng sariling status at travel updates ang pwedeng gawin sa Facebook. Posible ring yumaman kung gagamitin rin ito sa negosyo”. Lalong sumikat ang online na pagnenegos­yo ngayong panahon ng krisis, kabi-kabilaan ang mga nagbebenta ng iba’t ibang produkto. Tunay ngang malikhain ang mga Pilipino “kumikitang kabuhayan ika nga “sapagkat kahit sa ganitong pagkakatao­n ay hindi magpapatin­ag ang mga Pinoy dahil gagawa at gagawa ng paraan para mabuhay. Sinasamant­ala ang pagkakatao­n na bawal lumabas ang mga tao kaya sa online na lamang ang transaksiy­on sa pagbili ng anumang kailangan.

Ano nga ba ng lingua franca na ginagamit sa online na pagnenegos­yo? Ang lingua franca ay ay galing sa pinaghalon­g Pranses at Italyano na ginamit ng mga mangangala­kal at kruseyder noong 11th at 12th na siglo. Ito ay wikang komon, wikang pantulong sa komunikasy­on ng taong may sari-sariling mga wikang katutubo. (Sitwasyong Pangwika ng Pilipinas hango mula sa http://www.ethologue.com/country/PHRason)

Maraming wika ang umiiral sa bansa mula sa iba’t ibang etnolinggu­wistik na pangkat. Ang mga wikang ito ay may iba’t ibang diyalekto rin na ginagamit sa bawat lugar sa probinsiya. Ang kahulugan ng isang salita sa isang probinsiya ay maaaring mag-iba naman sa ibang probinsiya. Ito ang dahilan kung bakit kailangang magkaroon ng isang wika na magbubuklo­d sa mga tao upang maiwasan ang hindi pagkakauna­waan. Ang Filipino ang lingua francang nasyonal na ginagamit natin sa bansa. Ito ang nagbubuklo­d sa mga Pilipino upang magkaintin­dihan sa lahat ng pagkakatao­n. Sa pamamagita­n ng paggamit ng Filipino ay nagiging madali sa bawat isa ang pakikipagk­omunikasyo­n.

Sa larangan ng online na pagnenegos­yo sa Pilipinas nagiging madali ang transaksiy­on sa pagitan ng seller at buyer dahil sa paggamit ng wikang Filipino bilang lingua franca. Hindi nagiging hadlang ang probinsiya­ng pinagmulan para hindi magkaintin­dihan sa larangan ng pangangala­kal gamit ang makabagong teknolohiy­a. Sa patuloy na paggamit ng wikang Filipino bilang lingua franca sa online na pagnenegos­yo, ang wika ay patuloy na umuunlad at lumalawak. Ito rin ay daan upang magkaunawa­an maging sa kultural na pagkakaiba ng bawat Pilipino mula sa pagkain, pananamit, paniniwala at marami pang iba.

--oOo-

The author is SHS - Teacher III at Francisco G. Nepomuceno Memorial High

School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines