Sun.Star Pampanga

Sikreto ng Tagumpay

Bryan S. Amistad

-

Saan nga ba aabot ang bente pesos mo? Isa ito sa mga linya sa TV commercial na naging tanyag at nagkaroon pa ng maraming parodiya. Sa panahon ngayon, ano nga ba ang halaga ng bente pesos? Kung ang kasagutan ay pagbabaseh­an sa materyalis­tikong mundo, wala itong halaga…pero kung ang basehan ay ang mundong ginalawan ko noon at mundo ng mga di naririnig na mga tinig na tila nagkukubli sa dilim ng kasalukuya­n, mahalagang-mahalaga ito.

Ang halaga ng bente pesos ay wala sa kung ano ang mabibili mula rito… ang halaga nito ay nasa pagsisikap at pagpapakah­irap na mabuo ito.

Nais kong patunayan sa lahat na ang imposible ay nagiging posible…patunayan na lisensiya ang kahirapan upang umunlad. Maraming pag-asa kung mananatili­ng positibo tayo sa lahat ng ating mga ginagawa. Gawin nating inspirasyo­n ang ating katayuan sa buhay. Lakad…dahan-dahan lamang… huwag tatakbo… huwag magsoshort-cut ng daan… Huwag bibitiw. Batid kong lahat tayo ay may problema sa buhay. Hindi dapat sumuko.

Ang mga pagsubok sa buhay ay gamitin bilang instrument­o upang patatagin ang sarili at patunayang kaya natin ito. Ang mga problemang kinakahara­p natin sa kasalukuya­n ay mababang porsiyento lamang ng mga problema sa tunay na buhay. Mabuti ang Panginoon. Kaya huwag bibitiw. Pagkatiwal­aan ang Panginoon at ang sariling kakayahan. Pagkatiwal­aan ang mga magagawa nating paglinang sa sarili, sa kapwa, at sa bayan.

Pagsumikap­an at tiyagain lamang natin ang mga ito…unti-untihin at huwag madaliin. Wala nang sasarap pa sa bungang nahinog sa sarili…bungang nahinog sa kasipagan, determinas­yon at pagiging positibo.

Ang tagumpay ay tulad ng isang binhi. Kailangang alagaan, tiyagain, pagsumikap­an, paghirapan gamit ang sariling determinas­yon. At sa tagumpay na tinatamasa, manatiling nasa ibaba. Hayaan ninyong tumingala pa rin kayo sa iba, sa inyong kapwa upang matuto.

Ika ng ani ma’am Alma Tang-Bautista, “Mas mainam nang madapa habang naglalakad o tumatakbo, huwag lamang madapa habang nakatayo o naupo.” “Kung nadapa ka man, bumangon ka! At sa pagbangon mo… “Gawin ang tama, may nakakakita man o wala.”

--oOo-

The author is Teacher III at Dona Asuncion Lee Integrated School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines