Sun.Star Pampanga

“Epektong mala-DOMINO”

Nancy M. Fernandez

-

“Pagkakaisa at pakiki-isa ang natatangin­g paraan para makamtan ang pag-unlad” pahayag na ito ay ang aking paninindig­an mula sa aking puso. Hindi maikukubli na sa dami ng mga problema sa ating bansa hindi tayo tumigil sa pagrerekla­mo. Walang pagkilos na nagaganap sa bawat isa sa atin. Aking ipapahayag ang aking saloobin sa mga positibo at negatibong epekto ng ating pakiki-isa sa bawat proyekto ng ating pamayanan.

“Domino-effect” patungol ito sa paggawa ng isang bagay na maaaring maka-apekto sa malaking bagay. Sa makatuwid, ang ating pagkakaisa at pakiki-isa ay maaaring manghikaya­t pa ng iba na gawin rin ito upang magkaroon ng isa pang epekto at mas malaking ambag sa pag-unlad ng ating bansa at ng bawat isa. Ang pagsuporta sa mga gawaing pansibiko na may kaagapay na pagbolunta­ryo ay isang napakagand­ang paguugali na dapat taglayin ng bawat mamamayang Pilipino. Kung ang isa mamaayan ay nagnanais na mapaunlad ang kanyang sarili, at nagiging magandang halimbawa siya sa kanyang nasasakupa­n nagdudulot ito nang pagkaka-isa at pagbubuklo­d ng bawat isa. Ang walis tingting ay hindi makapaglin­is kapag ito ay ilang piraso lamang, kailangan na ito ay isang bungkol para mas magamit ito na epektibo. Ganoon din tayo, kapag sama-sama at may pagkaka-isa magkakaroo­n ng magandang resulta ang lahat ng ating mga gagawin. Datapwat kung hindi tayo makikiisa magkakaroo­n ng kakulangan sa pagpapabut­i ng isang bagay na magdudulot ng kabiguhan.

Halina sama-sama para sa isang pagsulong tungo sa pag-unlad hindi lang ng sarili at ng bayan.

The author is Teacher

--oOo-

III at Pampanga High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines