Sun.Star Pampanga

PNP-Chief si Cascolan kahit na ...

-

Itinalagan­g bagong Chief PNP si Lt. Gen. Camilo Cascolan ni Pangulong Duterte. Matatandaa­n nagretiro nitong Septimebre 2 si PNP Chief General Archie Gamboa.

Si Cascolan at Gamboa ay kapwa miyembro ng Philippine Military Academy PMA Class ’86.

Ang pagtalaga bilang Chief PNP o OIC si Cascolan ay sinira o nasira ang “policy” ng Philippine National Police (PNP) na kung saan dapat kapag ang itatalagan­g bagong Chief PNP ay mayroon pa isang taon bago ito magretiro.

Samantalan­g si Cascolan ay mayroon na lamang siyang dalawang buwan para sa kanyang “mandatory retirement.”

Ok lang si Cascolan dahil siya ang pangalawa sa high-ranking senior police officer na maaaring sumunod sa yapak ni Gamboa.

Nguni’t ang problema wala na siyang isang taon sa serbisyo. Kaya lang hindi mo raw ito “questionin­g” dahil “prerogativ­e” ito ni Presidente Duterte, ayon sa mga police officers.

Kung tutuusin nga raw, ayon sa mga police officers, maging si Gamboa ay wala siyang isang taon nagserbisy­o sa PNP kaya nasira din ang “policy.”

Naging maayos naman ang trabaho ni Gamboa sa kabila ng “pandemic.”

Sang-yon sa source ng Dateline, maaari daw i-extend si Cascolan ng mahigit anim na buwan.

Sa pag-upo ni Gamboa at Cascolan hindi kaya malinaw na nasira ang ginawang “policy” ng PNP? Nagtatanon­g lang po...

At malinaw din na magiging “precedent” ito sa mga susunod na itatalagan­g Chief PNP .... di po ba? Nagtatanon­g lang po...

Sina dating Chief PNP Gen. Dela Rosa at Albayalde ay mistah nina Gamboa at Cascolan... Mayroon kaya kaugnayan ito sa pagkakatal­aga kay Cascolan? Nagtatanon­g lang po ....

Ano po ang masasabi ng mga senior police officers sa mga PNP policy na hindi naman ito nasusunod...? Nagtatanon­g lang po...

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines