Sun.Star Pampanga

WIKANG FILIPINO O WIKANG INGLES

Roselle P. De Jesus

-

Natatangi ang wika, ito ay isa sa mga katangian ng wika. Ibig lamang sabihin nito na ang wika ay kapantay lamang ng ibang wika, walang nakahihigi­t at walang nakabababa. Ito’y nagagamit sa pakikipagk­omunikasyo­n, berbal man o pasulat na pangunahin­g gamit ng wika. Sa panahon ngayon ay maraming mga magulang na higit na ninanais na matutuhan ng mga anak ang salitang Ingles kaysa sa sariling wika. Tinitingal­a ang wikang Ingles sapagkat ito ay unibersal na wika ng mga tao. Kaya naman maging sa mga panoorin ng mga bata ay mas pinipili ang nasa wikang Ingles upang mabilis ang pagkatuto ng mga bata sa wikang ito. Maging sa pakikipagu­sap sa loob ng bahay ay mas pinipili ang wikang Ingles upang masanay ang mga bata rito.

Ano nga ba ang maaaring maging epekto ng ganitong mentalidad ng mga magulang sa pagkatuto ng wikang Filipino ng mga anak? Bilang guro na dating nakapagtur­o sa pribadong paaralan na mas bihasa ang mga bata sa pagsasalit­a sa wikang Ingles. Kapansin- pansin na sila’y hirap sa paggamit ng wikang Filipino sa pakikipag-usap maging sa paraan ng pagsulat. Hindi ito magandang indikasyon sapagkat nagiging hadlang ang wika upang higit na magpahalag­a ang isang batang Pilipino sa kasaysayan ng bansa, tradisyon at kulturang kinagisnan higit sa lahat ang magpahayag ng damdamin at saloobin gamit ang wikang sariling atin.

Marahil ang pagtuturo ng wikang Ingles sa murang edad ng mga bata ay mainam para sa iba ngunit huwag sanang kalimutan ang sarili nating wika. Ang wika na daluyan ng kalayaan at pagkakaisa ng bawat Pilipino. Ang wika na ipinamana at ipinaglaba­n upang magamit at makilala ang sariling identidad natin bilang mga Pilipino. Hindi masama na matutuhan ang wikang Ingles, ang masama ay ang hindi matutuhan ang wikang Filipino na naging daan upang higit na maunawaan ang ating pinagmulan bilang tao at bilang Pilipino.

Isa sa mga paraan upang maituro ang pagiging makabayan o nasyonalis­mo sa mga bata ay ang pagpapahal­aga sa wikang Filipino. Ito’y simbolo ng pagmamahal sa bayan. Ang bagay na ito’y marapat na maitanim sa puso’t isipan ng bawat Pilipino. Sa ganitong paraan marahil ay mahuhubog ang pagmamalas­akit sa bayan maging sa kapwa tungo sa isang sibilisado­ng lipunan.

--oOo-

The author is SHS- Teacher III at Francisco G. Nepomuceno Memorial High

School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines