Sun.Star Pampanga

Pagbabayba­y at Pagbabanta­s: Mahalaga pa ba?

Roselle P. De Jesus

-

Sa panahon ngayon ang paggamit ng makabagong teknolohiy­a ay laganap na sa lahat ng uri ng tao at antas ng pamumuhay. “Digital world” ika nga ng iba. Marami itong magagandan­g epekto na naidudulot sa tao lalo na pagdating sa pagpapadal­i ng mga gawain. Kailangang maging maalam sa paggamit ng iba’t ibang gadyet upang makasabay sa panahon ngayon. Sa kabilang banda ay marami rin itong negatibong epekto sa tao. Isa na rito ang paggamit ng tamang baybay at bantas sa pagsulat. Instant na lahat kaya maging sa ispeling ay madalian na lamang ang pagsulat. Tulad na lang sa pagsulat sa text na kaysa isulat ang salitang okey ay k na lamang ang isinusulat, kaysa sa sige ay cge na lamang ang ginagamit. Ito ngayon ang malaking hamon na kinahahara­p ng mga guro ng wika sa mga mag-aaral na nahuhumali­ng sa paggamit ng mga gadyet at higit na ninanais na makasabay sa uso kaya pati ang tamang pagsulat na itinuturo sa paaralan ay ipinagwawa­lang bahala.

Ang sabi ng marami di bale na mali ang baybay at bantas sa pagsulat ang mahalaga ay naiparatin­g ang ibig sabihin sa taong kausap. Sa pagkakatao­ng ito ay hindi nagagamit nang tama ang wika. Kapag hindi nagamit nang wasto ang wika ay maaaring hindi maihayag nang maayos ang nais na sabihin kaya nagkakaroo­n ng di pagkakauna­waan o pagkakaint­indihan. Bagamat hindi naririnig ang kausap sapagkat ito’y sa paraan ng pasulat, mararamdam­an pa rin ang emosyon na nais iparating kung tama lamang ang paggamit ng bantas maging ng ispeling sa pagsulat.

Ang mga patakarang ito sa wika ay itinuturo na mula sa simula ng pag-aaral ng mga mag-aaral. Ito ang mga pundasyon na ginagamit sa mabisang pagsulat ng iba’t ibang mga sulatin. Ito ngayon ay isang malaking hamon sa kasalukuya­ng panahon lalong- lalo na sa mga guro ng wika sapagkat ang kasanayan sa pagsulat ay marapat na malinang nang mabuti sa mga magaaral. Ito ay magagamit upang magkaroon ng mabisang komunikasy­on at maiiwasan ang di pagkakaint­indihan.

Mahalaga ang wika sa buhay ng tao. Ang paggamit nito sa iba’t ibang sitwasyon ay nangangahu­lugan ng patuloy nitong pag-unlad. Kaya naman higit na magiging kapaki-pakinabang ang paggamit nito kung gagamitin ito nang tama sa paraang pasalita man o pasulat.

--oOo-

The author is SHS- Teacher III at Francisco G.

Nepomuceno Memorial High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines