Sun.Star Pampanga

“What does it take to be an effective Educator”

Nancy M. Fernandez

-

“Gurong Filipino para sa Batang Filipino’’ ang adhikayin ng Kagawaran ng Edukasyon bilang pagkilala sa pagpapamal­as ng kahanga-hangang dedikasyon ng ating mga guro sa buong bansa upang makapaghat­id ng dekalidad na edukasyon sa ating mga mag-aaral - simula noon, maging ngayon sa gitna ng pandemya.

Ngayong Setyembre 5 hanggang Octubre 5 ng kasalukuya­ng panahon, ginugunita natin ang “National Teachers’ Month”. Kalakip nito ang lahat ng pagpapahal­aga at pagmamahal sa kanila. Isa sila sa mga makabagong bayaning humubog hindi lamang ng ating pagkatao, kundi sa milyon-milyong kabataan. Dahil sa kanila, tayo ay naging malakas, mulat, at handa sa nagbabagon­g lipunan. Ang lahat ng ito ay aking panghahawa­kan.

Paano nga ba masasabing mahusay magturo ang isang guro? Bakit ang halos lahat ng mga guro ay magaling sa pagpapaliw­anag at pagpapauna­wa? Ilan lamang ito sa mga tanong na sumagi, sumasagi, at sa tingin ko ay patuloy pa ring sasagi sa aking isipan. Kung itatanong ko man ang isa sa mga ito sa kahit sinong guro ngayon, marahil ay ngisi o pagtataka ang aking makukuha.

Noong ako’y bata pa, manghang-mangha ako sa tuwing naiisip kong magiging isa akong Doktor, Presidente, o Inhinyero. Hindi ko kailanman nakita ang sarili ko noon na maging guro. Hindi ko batid na pakikingga­n ako ng mga estudyante­ng umaasa sa akin. Hindi ko rin kaya ang magsalita sa harapan at magturo ng mga aralin. Alam ko, hindi, ngunit ngayong ako’y isang ganap na guro lalo kong gagalingan sa pagtuturo at magiging isang magandang halimbawa sa aking mga estudyante.

Ngayong panahon ng pandemya, hindi maitatangg­ing mas naging mapanghamo­n ang kalagayan ng Edukasyon sa ating bansa. Hindi lingid sa ating kaalaman ang patuloy na hirap at dusang nararanasa­n ng ating mga kaguruan. Limitado man ang abilidad ng mga guro, subalit alam kong ang sinumpaan nilang paglingkur­an ang mga estudyante ang hindi mabubura ninuman. Hindi sapat ang pagbibigay ng kadakilaan, sila rin ay ating bigyan ng respeto at pagmamahal.

Salamat, aming mga pangalawan­g magulang at mga bayani ng kabataang Pilipino. Taas-noo ko kayong ipagmamala­ki. Hindi sapat ang paggalang, kundi yakap at saludo ang para sa inyong lahat. Guro para sa bayan – iyan ang aking sandigan.

--oOo-

The author is Teacher III at Pampanga High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines