Sun.Star Pampanga

Reshuffle ng mga PDs nagsimula na

-

Kung sa PNP National Headquarte­rs sa Camp Crame, Quezon City nagkaroon ng balasahan (reshuffle) sa mga Senior Police Officers nang maupo si Lt. Gen. Camilo Cascolan ang dahilan nito ay marami umano nagretiro?

Dito naman sa Police Regional Office-3 (PRO3) noong nakaraang linggo si Brig. Gen. Rex Dela Rosa, Deputy Regional Director for Administra­tion ay naapektuha­n din ng reshuffle.

Si Dela Rosa ay itinalaga sa PNP National Headquarte­rs bilang Finance Service director at si Brig. Gen. Leo Francisco ang pumalit sa puwesto ni Dela Rosa.

Sa Monday (Sept. 14) pa papasok si Francisco sa kanyang bagong puwesto.

At nito din nakaraang linggo, dalawang Police Provincial Director ang ni reshuffle ni Brig. Gen. Rhodel Sermonia, PRO3 director.

Si Col. Leon Victor Rosete ng Nueva Ecija Police Provincial Director ay ni-relieved at si Col. Marvin Joe Saro ang itinalagan­g bagong provincial director.

Maging ang Olongapo City police director na si Col. Benjamin Sembrano ay naapektuha­n sa reshuffle at si Col. Randy Arceo ang pumalit sa kanyang puw est o.

Si Arceo ang dating chief ng Regional Logistics and Research Developmen­t Division na kung saan halos apat na taon itong nanatili sa kanyang puwesto. Si Lt. Col. Wilson Alicuman ang

pumalit sa pwesto ni Arceo.

Sina Rosete at Sembrano ayon sa mga police officers ay di pa nila natapos ang kanilang termino bilang Police Provincial Director. Nakakapagt­aka lamang daw kung bakit sila ay ni-relieved. Nagtatanon­g lang po…

Samantala mayroon daw ibang Provincial Directors na may dalawang taon na sa kanilang puwesto ang hindi nasama sa reshuffle. Nagtatanon­g lang po sila…

Sino pa kayang Police Provincial Director ang maapektuha­n ng reshuffle. Nagtatanon­g lang po…

Sa pag-upo kaya nina Arceo at Saro ay magpapatup­ad din ng reshuffle sa kanilang mga chiefs of police. Nagtatanon­g lang po…

Congrats Col. Arceo at Saro sa inyong bagong mga puwesto.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in English

Newspapers from Philippines