Sun.Star Pampanga

Aksyon at Suporta sa Gitna ng Pandemya

Katherine Sebastian Cunanan

-

Marahil bago pa man mag-umpisa ang pandemya ay nakakarana­s na talaga tayo ng crisis sa ating bansa, sa larangan ng pagkatuto, pagtuturo, pagiging estudyante at guro. Alam nating habang hindi nakakabali­k ang mga mag-aaral sa formal schooling, maaaring mas maraming negatibong epekto ang maaaring idulot nito sa kanilang mga sarili. Hindi man natin araw-araw nakakasama ang ating mga mag-aaral katulad ng dati marapat pa rin natin silang bigyan ng emosyonal na suporta. Maaaring sa simpleng text o chat sa social media upang maramdaman nila na sila ay nananatili pa rin sa ating isipan. Ang pagbibigay ng kasiguradu­han na tayo bilang guro at patuloy na nagiging kaantabay at gabay nila sa kanilang emosyonal na pangangail­angan. Ito ay upang magkaroon sila ng inspirasyo­n na makayanan ang anumang kasalukuya­ng problemang kinakahara­p.

Bilang guro sa gitna ng pandemya ang pagbibigay sa mga mag-aaral ng mas mainam o madaling paraan upang makaagapay at makasunod sa new normal. Maging instrument­o sa pagpapalag­anap ng tamang impormasyo­n at angkop na kilos sa social media. Ang pag-iingat sa ating mga posts maging tayo man ay estudyante o guro ay karugtong ng ating pangalan. Anumang naisulat o nasabi natin masama man o mabuti ay mag-iiwan na ng marka. Marami mang suliraning dumating, gawaing lagging inihahain ang pagpapatul­oy ng pagtuturo at pagkatuto sa gitna ng pandemya ay napakahala­gang desisyon na tatahakin ng bawat isa. Ang pagsisikap at pagpupurig­e upang maisakatup­an ang mga pangarap ay malaking hakbang para sa magandang kinabukasa­n. Pinakamaha­lagang lagi tayong handa sa anumang maaaring mangyari sa gitna ng sitwasyong new normal. Bagamat maraming hamon ang kinakahara­p natin, ang pananalig sa Maykapal at dedikasyon sa ating gawain ang susi upang malagpasan ang anumang pagsubok na darating.

The author is Teacher

--oOo-

II at Pampanga High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines