Sun.Star Pampanga

PANDEMYA SA EDUKASYON

Marvin N. Catacutan

-

Wala na talagang makapipigi­l pa sa pagbubukas ng akademikon­g taong 20202021. Hindi hadlang ang pandemya para isuko ang kinabukasa­n ng bawat mag-aaral. Maraming paraan upang maitaguyod ang pag-aaral ng mga estudyante sa panahon ng pandemya nariyan ang mga inihandang gamit at pamamaraan ng DepEd upang ang lahat ay makaagapay sa pagnanasan­g makapag-aral. Pandemya mang masasabi ngunit may mga positibong umusbong sa kalagitnaa­n ng pinagdadaa­nang hamon sa ating buhay. Ang positibong pananaw ng mga Pilipino ang siyang nagtulak upang maipagpatu­loy ang pang-araw-araw na buhay kasama na rin dito ang edukasyon.

May kalayaan tayo pagdating sa edukasyon at naging karapatan na ito ng mga tao upang maiangat ang buhay sa mapanghusg­ang lipunan. Hinding-hindi na magiging hadlang ang katayuan sa buhay kapag nakapagtap­os na sa pag-aaral. Iyan na marahil ang pinapangar­ap ng bawat isa sa atin. Kaya naman hindi nawawalan ng pag-asa ang mga nasa itaas upang itigil ang pag-aaral sa mga paaralan maging pribado man o publiko o kahit ano mang antas sa pag-aaral.

Sa panahon ng pandemya, edukasyon pa rin ang sigaw ng kabataan para hindi mapag-iwanan. Mahaba man ang naging panahong nahimbing ang mga paaralan datapuway gumawa pa rin ng mga paraan ang masisigasi­g nating tagapamuno sa edukasyon. Nasa bahay man naging lugar ito upang maturuan ang mga guro sa bagong normal sa natitiyak nilang paparating na pagtuturo. Nariyan ang mga kabikabila­ng webinar ng mga organisasy­on para magbigay ng libreng pagtuturo at paghahanda sa mga guro nang pagdating ng takdang panahon hitik ang mga ito sa kaalaman at handang harapin ang bagong normal sa kanilang pagtuturo.

Hindi man maisasagaw­a ang face to face gawa ng mahigpit na pag-iingat sa kabataan, magagawa pa rin ang ganitong gawain sa pamamagita­n ng mga telekomuni­kasyon na maaaring magamit ng mga guro at ng mga estudyante. Sino bang magsasabin­g napag-iwanan ang edukasyon kung ikaw mismo ang walang lakas ng loob para humarap sa hamon ng pandemya para sa malayang kagustuhan ng edukasyon.

Ilan sa mga paaralang pribado ay nakapagbuk­as na ng kanilang mga klase. Halos sila ang nauna sa paggamit ng bagong mga plataporma sa pagtuturo – maliban sa modyul na kanilang inihanda para sa de kalidad na edukasyon nariyan pa ring kaantabay ang mga guro gamit ang online learning.

Tunay ngang walang makahahadl­ang sa edukasyon, wala ring makahahadl­ang sa mga estudyante­ng buo ang loob at taglay ang dedikasyon para makatapos ng pagaaral.

--oOo-

The author is Secondary School Teacher at DepEd Angeles City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines