Sun.Star Pampanga

Hamon ng New Normal sa Gurong Pilipino

Katherine Sebastian Cunanan

-

Ang pagiging guro ay isang malaking responsibi­lidad, dahil sa ating mga kamay nakasalala­y ang maaaring kahihinatn­an ng isang mag-aaral. Bilang guro sabi ng nakararami dapat malapit ka sa pagiging perpekto tipong hindi ka magkakamal­i kasi ang bawat galaw mo, marami ang matang nakatingin na handang maging kritiko sa hakbang na gagawin mo. Bilang guro hindi ka dapat magkamali sa gitna ng iyong pagtuturo, dahil ang bawat salitang mamumutawi sa iyong mga labi ay maaaring panghabang buhay na maitatak sa isipan ng mag-aaral na nakikinig sayo.

Bilang guro, dapat mahaba ang pasensya mo, kailangan mong isantabi ang ilang emosyon na maaaring hindi makatutulo­ng sa gawaing pagkatuto sa loob ng silid-aralan. Dahil ang emosyon o damdaming maaaring makita ng iyong mag-aaral ay magiging bahagi ng talakayan. Bilang guro kailangan malakas ka, malakas upang tanggapin ang hamon ng sitwasyon sa gitna ng pandemya. Huwag na nating isa-isahin ang mga gawain ng guro sa sitwasyong new normal, baka sa haba at dami mabagot ang mambabasa ng artikulo na ito, baka ang kahihinatn­an nito ay hindi na tayo matapos. Ang dedikasyon at kagustuhan natin makaagapay sa pagbabago ng panahon ang tutulong sa atin upang malagpasan ang kahit anong hamon ng new normal. Bilang guro, kailangan marami kang kaalaman hindi lamang sa pagtuturo gayunpaman pati na rin sa pag-aalagang pisikal, mental at emosyonal ng mga mag-aaral. Tandaan na hindi lamang simpleng guro ang isang guro sa loob at labas ng paaralan. Marami mang pagbabagon­g nagaganap sa sistema ng edukasyon na mayroon tayo, ang pagharap sa hamon na laging handa ay isang pagtugon na may lakas ng loob at dedikasyon sa propesyong pinili.

--oOo-

The author is Teacher II at Pampanga High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines