Sun.Star Pampanga

WALANG TULUGAN!

Marvin N. Catacutan

-

Wala talagang tulugan kung ang nais mo lamang ay mulat magdamagan. Pagbangon nga ba ang gusto o pagbabago? Walang tulugan! Iyan na marahil ang mga katagang isisigaw mo kung puno at nariyan lamang sa iyong tabi ang lahat ng kaalamang huhubog sa iyo.

Walang tulugan marahil kung puspos ang iyong gagawing pag-aaral. Sino pa bang matutulog sa gitna ng kaalaman kung ikaw mismo ay uhaw nito? Napakasara­p lasapin lalo na kung tama ang timpla. Masarap namnamin kung eksakto at kumpleto sa rekado.

Wala talagang tulugan ang hatid ng edukasyon sa panahon ng pandemya lalo pa’t pagbabago at pag-asa ang tanging hatid nito sa atin.

Hindi lamang printed materials ang hawak mo ngayon sa iyong pag-aaral sapagkat malaya ka na ring gumala gamit ang internet para pakainin ang nagugutom at uhaw mong kaisipan sa edukasyon. Wala talagang tulugan dahil hindi ka na matutulog kung sabik ka na sa pag-aaral. Marami nang matututuna­n gawa ng pandemya, ‘yan na marahil ang positibong hatid ng lockdown sa ating mga bahay-bahay at buhaybuhay.

Masarap pa rin sa pakiramdam kapag sinasabing kabilang ka pa rin sa pag-aaral sa taong ito. Ilang buwan na rin ang lumipas kaya ang mga estudyante ay sabik nang makapasok sa kanilang mga paaralan. Hindi man sa paaralan ang papasukan nariyan ang iba’t ibang plataporma para makapasok sa virtual classroom na magsisilbi­ng paaralan ng bawat estudyante.

Walang tulugan ang ginagawang paghahanda ng mga guro para lalong mapabuti ang pag-aaral ng mga papasok na estudyante. Nariyan ang mga inihahanda­ng mga module at virtual classroom o sites para sa pag-aaral.

Walang tulugan kaya wala na talagang makakahadl­ang sa edukasyong hatid ng bagong normal sa ating buhay. Wala mang tulugan nguni’t nakatitiya­k ang lahat na ito ang mgsisilbin­g susi para gisingin ang kamalayan ng lahat para sa mga pangarap sa buhay at nang makatulong sa panahon ng bagong normal.

Walang tulugan dahil nariyan na ang bagong normal sa pagtuturo kaya ang mga nahihimbin­g pa, bumangon na para sa inaasahang magandang bukas.

--oOo-

The author is Secondary School Teacher at DepEd Angeles City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines