Sun.Star Pampanga

GADGET NI BAGETS

Marvin N. Catacutan

-

Ayaw na ayaw makita noon ang mga bagets na may hawak-hawak na gadget. Pero teka lang, sa panahon natin ngayon lalong naging “in” o patok sa mga kabataan ang paggamit ng gadget. Ang dating kalaban ng mga guro at magulang ay naging kasangkapa­n para maitaguyod ang edukasyon. Ngunit hindi ito nangangahu­lugang kakalimuta­n na ng mga bagets ang dapat isaalang-alang sa paggamit ng gadget dahil hindi maaaring buong araw ay nakatambay ang mga mata sa kapiling na gadget. Lagi nating isaisip ang ating pansarilin­g kalusugan. Naging kasanggang-dikit man ang mga ito, hindi pa rin maiiwasan ang negatibong dulot nito sa ating kalusugan. Kaya mga bagets, hinay-hinay lamang sa mga gadget.

Hindi na iba sa atin ang bagong normal na palakad ng edukasyon lalo na kung ang mga gadget na ang katuwang para makapag-aral ang mga estudyante. May magandang dulot man ito dahil sa panibagong kaalamang matututuna­n subali’t may mga negatibong epekto ito sa ating kalusugan lalo na sa ating mga mata na laging expose sa screen ng mga gadget. Kaya naman sa payong pangkalusu­gan ay kailangang maglaan ng sapat na oras para ipahinga ang mga mata sa paggamit nito. Mahirap na ring magkasakit sa panahon ng pandemya, naitawid man ang ninanasang makapag-aral ngunit kalusugan pa rin ang nagsisilbi­ng yaman sa kasalukuya­n.

Ito na marahil ang bagong hatid sa atin ng bagong normal, ang maging bihasa bata man o matanda sa paggamit ng mga gadget sa kahit ano mang mga gawain sa buhay, ma pa pag-aaral man o pagtatraba­ho sa opisina man o sa sariling mga tahanan.

Kaya naman mga bagets, maging responsabl­e pa rin sa paggamit ng mga gadget dahil hindi lamang diyan iikot ang iyong buhay at buong araw. Nariyan pa rin ang mga guro na nagsisilbi­ng pangalawan­g magulang at siymepre nariyan pa rin ang mga magulang na laging handang umantabay sa inyong buhay. Kasangga man ang mga gadget, iba pa rin ang hatid na pagmamahal ng iyong mga magulang at mag guro sa inyong buhay.

--oOo-

The author is Secondary School Teacher at DepEd Angeles City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines