Sun.Star Pampanga

BUHAY SA GITNA NG PANDEMYA

Katherine Sebastian Cunanan

-

Ang pandemyang ito ay pilit na sumubok sa atin bilang guro, mag-aaral, anak, kapatid, magulang, pinuno, empleyado at iba pa. Naipakita nito ang pagiging makatao ng ating lipunan, pero isiniwalat din ng sitwasyon na ito ang kahinaan na taglay natin bilang tao.

Bilang mga guro, isang bagay na hindi dapat makalimuta­n ay ang kakayahan nating malampasan ang mga sitwasyong dinudurog ang ating kaluluwa.

Bilang mag-aaral, anak at kapatid, isang pagsubok ito na bago at di kailanman sumagi sa isip ng kahit sino. Ngunit kahit sa murang edad kailangang maging matatag at laging gawin at piliin ang tama at nararapat.

Gamitin natin ang nakaka-stress na panahong ito sa mga makabuluha­ng layunin. Mag-aral tayo ng mga bagong kaalaman. Bumuo tayo ng mga bagong karanasan sa loob ng ating tahanan.

Bilang mga magulang, manatili sana ang ating katatagan sa gitna ng lumalalang sitwasyon. Ang lakas ng pamilya ay nakasalala­y sa tatag ng pundasyon o haliging binuo.

Bilang guro sa gitna ng pandemyang ito ay magiging mas bukas dapat ang ating isipan sa kung ano ba ang ibibigay ng hinaharap. Babangon sa araw-araw at sasabihing malalampas­an din natin ang suliraning ito. Sabayan natin ang saliw ng tumatakbon­g pagbabago.

Ang pagiging isang guro ay hindi ganoon kadali gaya ng iniisip ng karamihan. Sa likod ng bawat kompyuter o laptop sa panahon ng pandemya ay mga patak ng pawis at luha ang makikita. Sa bawat aklat, lektyur, webinar at module na binubuklat ay may nakatagong pait at saya na pinagdadaa­nan. Sa bawat leksyon o talakayan na itinuturo ay nakatago ang isang malaking butil ng karunungan­g nais ipamahagi sa nakararami­ng mag-aaral.

Tunay ngang ang edukasyon sa buhay ng bawat isa ay kapara ng isang walang katapusang paglalakba­y sa mundong sinasaklaw­an ng aspektong ‘pagbabago’. Ito ang pinaka-makapangya­rihang sandata na kahit sinuman ay walang kakayahang baguhin at angkinin sapagkat ito ay permanente­ng nakaukit na sa diwa at kamalayang pantao.

--oOo-

The author is Teacher II at Pampanga High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines