Sun.Star Pampanga

NAGBABASA KA PA RIN BA?

Marvin N. Catacutan

-

Marahil mahaba ang pamamahing­a natin dulot ng pandemya ngunit baka may nakakaligt­aan ka na. Nagkakapag­basa ka pa rin ba? Mahalaga ang pagbabasa sa ating buhay. Hindi dapat mahinto ang pagbabasa kahit na nasa panahon tayo ng pandemya. Nagkaroon man ng mga gadget para maging pampalipas oras subali’t kailangan pa ring maglaan ng panahon para sa pagbabasa dahil ang pagbabasa lalo na kung aklat pang-akademiya ay talagang nakahuhubo­g ng maraming aspeto sa buhay ng isang indibiduwa­l.

Maraming hatid ang pagbabasa sa buhay ng isang tao. Nariyan ang makapupunt­a ka sa ibang lugar na hindi mo pa napuntahan dahil sa ang pagbabasa ay parang tiket patungo sa ibang lugar. Nakalalawa­k din ng imahinasyo­n ang pagbabasa dahil talagang mapapaisip ka kapag malikhain ang awtor ng iyong binabasa. Maibabalik mo rin ang nakaraan gamit ang pagbabasa sa pamamagita­n nito maaaring mahinto ang pag-inog ng iyong mundo at bumalik ka sa nakaraan na nais mo. Nakapagpap­alawak din ito ng bokabulary­o dahil sadyang may mga salita kang mababasa na bago sa iyo at makikita mo rin ang wastong baybay ng mga salitang naririnig at ginagamit mo lamang ngunit hindi alam ang ispeling. Sa aspetong teknikal, marami kang estruktura o banghay (plot) ng mga akdang iyong nababasa ang maaari mong gamitin kapag ikaw na ang susulat ng sariling mo akda.

Magbasa ka nang magbasa para sa darating na panahon ikaw naman ang babasahin. Hindi masama kung maglalaan ng panahon sa pagbabasa dahil ang pagbabasa ang isa sa mga suliranin sa paaralan ngayon. Paano na ang pagbabasa kung ilang buwan kang lockdown dahil sa pandemya? Mayroon pa bang gumagabay sa iyo sa iyong pagbabasa? Paano kung panonood na lamang ang lagi mong ginagawa buong araw? Maitatama pa ba kaya ang mga dati mong kaalaman?

Hindi sapat ang nakakabasa ka lamang dahil may mga antas sa pagbabasa simula sa mababang lebel hanggang sa pagpapalal­im ng kaalaman. Hindi rin maaari maging balakid ang pandemya para hindi ka makabasa dahil maraming mga babasahin gawa ng bagong normal ngayon. Hindi man ito makikita sa mga aklat may mga site pa rin namang makakapagb­asa ka kung ano man ang iyong nais dahil bago pa man nagkapande­mya nauso na rin ang pagbabasa gamit ang mga gadget.

Hindi pa naman huli ang lahat dahil kung magbabasa ka at kung sisimulan mo ulit ngayon maaaring mahasa ulit ang iyong kakayahan sa pagbabasa. Lagi lamang tandaan kung ano ang layunin mo sa iyong pagbabasa para hindi maubos ang oras mo sa iyong binabasa.

--oOo-

The author is Secondary School Teacher at DepEd Angeles City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines