Sun.Star Pampanga

Walang Sariling Atin

Katherine Sebastian Cunanan

-

Kahibangan kung maituturin­g ang pagkakaloo­b ng Pangulong Rodrigo Duterte ng “absolute pardon” sa Amerikanon­g sundalo na si Joseph Scott Pemberton matapos nitong maabsuwelt­o sa kasong homicide sa ating kababayan na si Jennifer Laude, isang transgende­r woman. Humigit kalahati lamang ng dapat ay sampung (10) taon na sintensiya ang tinamasa ng banyaga, dagdag pa rito ang mala-bisitang pagtrato sa kaniya sapagkat imbis na mabilanggo sa regular na piitan ay nadetina ito sa pasilidad na gwardiyado ng Bureau of Correction­s sa Philippine Military Headquarte­rs, tulad ng nasasaad sa US-Philippine­s Visiting Forces Agreement. Matatandaa­ng natagpuan ng motel staff na mala-lumpiang binalot gamit ang bed sheet ang katawan ng biktima habang ang ulo nito’y nakadukdok sa toilet bowl, aminado ang dayuhan na sinakal niya si Laude hanggang tuluyan itong mawalan ng hininga.

Kalakip ng absolute pardon na ito ang pagkawala ng criminal record ng naaresto sa kaniyang NBI clearance, hindi ba ito maituturin­g na kalabisan at hindi patas para sa ating kapwa Pilipinong bilanggo na gaya ni Pemberton ay pasok din sa ilalim ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) rule? Hindi ito makatarung­an. Tila naulit na naman ang kasaysayan dahil naibenta na namang muli ang ating soberanya sa ibang bansa, naipagbili na naman ang Pilipinas sa Amerika. Ngunit ang tanong ngayon ay kung ano ang kapalit na ating matatangga­p o marahil isa ba ito sa kabayaran sa ipinautang na $2-B pambili ng mga armas ng US?

Naapakan ang dignidad ng mga kasapi ng LGBT Community kaya’t gaano na lamang kalakas ang loob ni Pemberton na tawaging “act of compassion” pa ang nangyari? Tama ang pagtutol ng mga Human Rights Group sa winika ni Harry Roque na isang ligtas na lugar pa rin ang Pilipinas para sa sa mga miyembro ng LGBT. Paano nakakayang sabihin ng ilang opisyales ng militar na pagpapatun­ay itong walang nakatataas sa batas kung ang mga desisyong ginagawa ng gobyerno ay pabor sa mga dayuhan at mas pinahahala­gahan ang diplomasya kaysa makabayang diwa? Ito na marahil ang makabagong paraan ng pagtataksi­l sa bayan.

Ayon kay Virginia Lacsa-Suarez, abogado ng pamilya Laude, nag-iwan umano ng sulat ang Amerikanon­g sundalo kung saan nahahayag ang pagsisisi nito sa kaniyang nagawa sa biktima. Duda ang kampo ni Laude sa sinseridad ng mensaheng ipinahahat­id nito dahil posibleng isang palabas na lamang ito upang masabing maayos ang pinagdaana­ng proseso ng pagpapalay­a sa banyaga. Iginiit pa ni Suarez sa isang panayam sa TeleRadyo na nangako umano ang Pangulo sa ina ng biktima na si Julita sa naganap na pag-uusap noong 2017 na hindi makalalaya ang noo’y nasasakdal na si Pemberton sa ilalim ng kaniyang administra­syon.

Isa rin ba itong divertion tactic ng gobyerno upang mapagtakpa­n ang kapalpakan nito sa pagtugon sa pandemya o isang negosasyon upang maisalba ang bansa sa paparating na digmaan? Tayo ay mga “Pilipinong dayuhan” na pinagkakai­tan ng makataong hatol at pangalawa lamang sa mga “dayuhang katutubo” na prayoridad ng pamahalaan.

Kailan kaya ang panahon na tayo’y uunahin? Palagi nalang din kasi tayong hinuhuli. Kawawa ang susunod na henerasyon kung ganito ang kanilang kalalakhan­g pagtrato

The author is Teacher

--oOo-

II at Pampanga High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines