Sun.Star Pampanga

“Karapatan ng Bata sa Edukasyon”

Estepilyn P. Garcia

-

“Walang batang mag-aaral ang maiiwan.” Ang mga katagang iyan ay lagi nating naririning o nababasa sa mga balita mapatelebi­syon man, social media, at pahayagan. Ang layunin ng Department of Education ay makapag-aaral ang bawat bata sa taong ito. Maraming mga magulang ang nangangamb­a sa kaligatasa­n ng kanilang mga anak dahil sa banta ng COVID-19 pandemic. Ang pamahalaan, kasama na ng Department of Education ay gumawa ng mga “Alternatib­ong Pamamaraan” para maipagpatu­loy ang edukasyon sa taong ito.

Sa “Blended Learning” ay napapaloob ang tatlong uri ng pamamaraan ng pagtuturo na kung saan maaaring matuto ang mga mag-aaral sa kabila ng nararanasa­ng “New Normal” sa edukasyon. Ang una dito ay ang “Online Distance Learning” na kung saan nasa bahay lang ang mga bata para sa kanilang pag-aaral. Ikalawa ay ang “Modular Distance Learning” na tumutukoy sa pagbibigay ng mga “Printed Materials” sa mga mag-aaral para kanilang sagutin sa tahanan na katuwang ang kanilang mga magulang. At ang ikatlo ay ang “TV/ Radio - Based Instructio­n” na may layuning maipalabas sa telebisyon o mapakingga­n sa radyo ang mga aralin.

Masasabing sa kabila ng kahirapan ng mga mga-aaral at mga guro sa ating tinatawag na “New Normal” na estado, ay walang maidadahil­an ang mga mag-aaral na hindi makakapag-aral sa taong ito. Kaagapay ang DepEd, mga lokal na opisyal, mga guro at iba’t ibang ahensya nang ating lipunan, tayo ay makaaalpas sa mga balakid na pumipigil upang matuto ang ating mga kabataan.

--oOo-

The author is Teacher III at Angeles City National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines