Sun.Star Pampanga

GURO, VLOGGER KA NA RIN BA?

Marvin N. Catacutan

-

Sa panahon ng pandemya maraming mga vlogger ang maaaring mapanood lalo na kung mahilig ka ring manood sa youtube. Maraming iba’t ibang mukha ng buhay ang makikita mo kapag binisita mo ang iba’t ibang mga mahilig sa vlog. May mga katatawana­n, may prank na may halong drama at tawanan, may mga reviews tungkol sa mga produkto, mga hardin o halamanan na naging sikat dahil sa pandemya, mga pagluluto, mga lugar na hindi napupuntah­an, mga produktong nagagamit sa kusina o pagluluto at marami pang iba.

Mukhang hindi na rin magpapahul­i ang mga guro sa ganitong larangan dahil ang vlogging na dati mong napapanood gaya ng mga nabanggit sa umpisa ay tila kaiba naman sa vlog ng mga guro. Dahil ang video na makikita sa channel ng isang guro ay tungkol pa rin sa kaniyang asignatura­ng itinuturo.

Bakit nga ba may channel ang guro? Ang channel na nilikha ng guro ay sadyang hindi pampersona­l bagkus gagamitin ng guro ang channel na ito para pa rin sa kaniyang layuning makapagtur­o. Pagtuturo pa rin ang lalamanin ng kaniyang channel dahil likom pa rin ng mga video sa kaniyang pagtuturo. Maaaring nag-record na ang guro sa kaniyang gagawing discussion para sa mga mag-aaral na hindi nadalo sa kaniyang online teaching.

Gamit ang kaniyang youtube channel maaaring mapanood ng mga mag-aaral ang discussion o talakayang inihanda ng guro para sa kaniyang klase. Nangangahu­lugan lamang na talagang hindi maaaring mapag-iwanan ang mga guro sa aspetong pagbabago dala ng bagong normal. Dahil kapakanan pa rin ng kaniyang mga mag-aaral ang kaniyang iniisip.

Nang dahil sa video na gawa ng guro, lalong mapapabuti ang pagtalakay sa isang aralin para mapabuti pa lalo ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Hindi rin usapin ditto ang walang internet dahil ang channel ng guro ay nakalaan lamang sa mga mag-aaral na hindi napasok sa kaniyang online teaching. Sa mga mag-aaral na walang internet nariyan pa rin ang mga inihandang module para sa pansarilin­g pag-aaral.

Maliban sa video, maraming pa ring solusyon ang maaaring gawin ng isang guro maabot lamang ang kaniyang mga mag-aaral. Tunay na aabutin ng guro ang pangangail­angang pang-edukasyon ng bawat mag-aaral patungo sa kanilang magandang kinabukasa­n.

--oOo-

The author is Secondary School Teacher at DepEd Angeles City

Newspapers in English

Newspapers from Philippines