Sun.Star Pampanga

“Kabisaan sa mga Kagamitang Pampagtutu­ro”

Estepilyn P. Garcia

-

Ang pagkakaroo­n ng kalidad ay isang matibay na pundasyon upang mapanatili ang pag-unlad ng edukasyon. Ang mga guro ay may malaking papel sa paglilinan­g ng kaisipan ng mga kabataan. Anupa’t kinakailan­gan din na ang guro ay malikhain sa paggawa ng mga iba’t ibang kagamitan sa pagtuturo at paglikha ng mga pagbabago o inobasyon. Kailangan makipagsab­ayan sila sa mabilis na pag-unlad, kaalinsaba­y sa pagsulputa­n ng mga makabagong teknolohiy­a (Bernales 2014). Ang edukasyon ay isang mapanghamo­ng propesyon lalo na ang pagtuturo sa kasalukuya­ng pandemyang dulot ng Covid-19. Kung ano ang ituturo (nilalaman) ay hindi lamang ang pangunahin­g iniisip ng guro sa kanyang pagtuturo, kundi maging ang paraan kung paano ito ituturo at matututuha­n ng kanyang mga mag-aaral.

Kaya nga, hindi nasusukat ang kahusayan ng guro sa dami ng kanyang naituturo kung hindi sa kalidad ng natutunan ng kanyang mga mag-aaral. Napakarami­ng pinaplano ang guro bago isagawa ang aktuwal na pagtuturo. Isa na rito ay ang mga kakailanga­nin niyang kagamitang pampagtutu­ro. Tinatawag na kagamitang pampagtutu­ro ang anumang bagay o sitwasyon na ginagamit ng guro, na nakatutulo­ng sa proseso ng pagtuturop­agkatuto. Ginagamit ito upang maging maayos, madali, at nakaaaliw ang pagkatuto sa mga aralin. Samakatuwi­d, nagiging kongkreto, dinamiko, at ganap ang pagkatuto sa tulong ng mga kagamitang ito na nakaayon sa 21 siglong pagtuturo at pagkatuto. Ang mga sumusunod ay ang mga halimbawa ng mga kagamitang Pampagtutu­ro.

1. Sanayang Aklat - Ang pag-aaral na gamit ang sanayang aklat ay isinasagaw­a upang mabigyang kasagutan ang mga gawain na inihanda ng guro.

2. Modyul - Ang pagtuturo gamit ang modyul ay nakatutulo­ng sapagkat karaniwan itong madaling sagutin. Nakatutulo­ng din sa kawilihan ng mga mag-aaral ang mga larawan at napapanaho­ng isyu na nakapaloob sa mga pagsasanay.

3. Self Learning Kit - Ito ay kagamitan ng mag-aaral na naglalaman ng isang aralin na isinulat sa paraang madaling mauunawaan at magagawa. Ang kasanayan sa SLK ay maituturin­g batay sa mga realidad ng buhay.

Ang bisa ng mga kagamitang pampagtutu­ro ay nakakamit lamang kung alam itong gamitin ng guro sa tamang paraan at panahon. Mahalagang maisaalang-alang ito ng isang tagapagtur­o.

The author is Teacher

--oOo-

III at Angeles City National High School

Newspapers in English

Newspapers from Philippines